Advertisers

Advertisers

Rosanna contract star na ng Viva Artists Agency; Remake ng ‘Pieta’ at ‘Insiang’ millennial version, naka-line up na

0 250

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

LAST Thursday, kasabay ng kanyang contract signing sa Viva Artists Agency, nagkaroon ng virtual presscon for Rosanna Roces na imbitado ang inyong columnist courtesy of Osang.

This was hosted by Butch Francisco na one of trusted friends ni Osang na ipaglalaban siya ng patayan. At dahil kilalang prangka o straight forward si Rosanna ay sinagot nito nang walang kaplastikan ang mga ibinatong tanong sa kanya ng entertainment press and vloggers.



Pero sobrang thankful ang kaibigan naming aktres sa tiwala o second chance na ibinigay sa kanya ng Viva, na naging ka-kumpetensiya niya noon bilang Seiko Jewel o Reyna ng Seiko.

“Nagka-edad na ako at hindi na ganoong ka-sexy, but Viva (VAA) signed me up,” say pa ni Osang. “Kahit ka-kumpetensiya nila ako dati dahil nasa Seiko ako, naramdaman ko na importante pa pala ako sa showbiz.”

Pero hindi kinalilimutan ni Rosanna ang isa sa hulog ng langit sa kanyang karera na  nagbalik sa kanya sa telebisyon sa dalawang top-rater teleserye sa ABS-CBN na Los Bastardos at Pamilya Ko na si Direk Ruel S. Bayani ang humawak.

Ganyan tumanaw ng utang na loob ang bagong contract star ng Viva. Samantala, exclusive ang pinirmahang contract ni Osang sa VAA kaya hawak ng nasabing management ang movie, TV, at endorsement para kay Osang.

After ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, na palabas na sa Viva Max starting Jan. 30 sa halagang 149.00 na subscription na good for one month, maliban sa Pornstar ay makakapanood ng maraming pelikula ang buong pamilya.



At bago gawin ni Osang ang malalaking proyekto na inspired sa classic and critically-acclaimed movies noong 80’s na Pieta at Insiang ay sasalang na sa bago niyang pelikula na “KAKA” ang actress. Ilan sa mga makakasama niya rito ay sina Gina Pareno, Maui Taylor, Sunshine Guimary, Ion Perez at Jackie Gonzaga ng It’s Showtime at marami pang iba.

Malapit na ang virtual storycon nila. Si Diego Loyzaga naman ang kanyang makakasama sa Pieta at sa millennial version ng Insiang na this time ay ang anak niyang bading na gagampanan ni Diego ang makakaagaw niya kay Marco Gumabao.

Grabe, mukhang fully booked na si Rosanna ngayong 2021 at lahat ng biyayang natatanggap ay kanyang ipinagpapasalamat sa Itaas.

***

DNA PH Music Artist Cool Cat Ash (Ashley Aunor) Sinusulong Ang Advocacy Na Ipagbawal Ang Body Shaming

Year 2016 sa suporta ng sister na si Marion Aunor, inumpisahan ni Cool Cat Ash (Ashley Aunor) ang pagsusulat ng kanta at pag-record nito under DNA PH MUSIC. Kaya pala nito na-composed ang popular niyang song na “MATABA” na fabulous ang music video ay dahil sa may isinusulong na advocacy si Ashley na gusto niyang matigil na ang body shaming sa tulad nila. Ano nga ba naman kasi ang problema ng pagiging mataba? Ang importante ay walang tinatapakang tao ang isa sa daughter singer ni Maribel Aunor. Saka ginawang image na rin ito ni Ashley at carry niya sa mga sinusuot na outfit.

Saka isa siyang rakista na punung-puno ng talent. Happy si Cool Cat Ash, at kare-release ng kanyang bagong single na “LOKO” ay malakas agad ang feedback sa digital music store gaya ng Spotify, Apple Music, at Deezer.

Para sa mga naloko ng feelingero guys ang awitin niyang ito. Pwede niyong i-follow si Cool Cat Ash sa kanyang Tiktok account: coolcatash-music.

Very proud naman ang Mom Maribel ni Cat Ash sa adbokasiya ng recording artist daughter.