Advertisers

Advertisers

Sharon at KC kapwa pinaglaruan ng staff ng ‘ASAP’ ?

0 232

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO
UNANG nagbigay ng pahayag si Mocha Uson sa isyu na umano ay nabuntis ito ni Robin Padilla.

Nagsimula ang tsismis na ito sa isang blind item na lumabas two days ago. Kesyo kaya raw nawawala sa sirkulasyon  ang isang actress/singer  ay dahil buntis ito sa isang sikat na actor na may asawa.

May humula na kaagad na sina Robin at Mocha  ang tinutukoy sa blind item dahil tumutugma ang deskripyon sa kanila kaya nagpasalin-na ang balita  sa showbiz dahil malaking isyu nga naman ito.



Unang nagbigay ng pahayag si Mariel Rodriguez para i-deny ang balita sa kanyang  Instagram at sumunod naman nagpabigay ng pahayag si Mocha at sa post ng singer/actress sa kanyang Instagram, Facebook, vlog ng video na nagpapakita na nag-e-exercise siya para ipakita na hindi siya buntis.

Sa caption ay tahasang itinanggi ni Mocha ang tsismis at nahihiya siya kina Robin at Mariel.

“Wala pong katotohanan ‘yang  tsismis  na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,“ bungad ni Mocha.

Pawang paninira lang daw ang ginagawa ng nasa likod ng tsismis at tila inaakusahan ang kampo ng isang politician na utak ng pagpapakalat ng maling balita.

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating  gobyerno. Alam ng lahat na ako at si Robin ay masugid na na supporter ni Pangulong Duterte kaya sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nila kaya  kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” pahayag ni Mocha.



Sa pahayag naman ni Robin ay nahihiya siya kay Mocha dahil magkakilala sila bilang supporter ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para gawan ng malisyosong balita na wala naman katotohanan.

***

ITINANGGI ni Sharon Cuneta ang balitang mapapanood siya sa ASAP Natin `To last Sunday (Jan.24) na umere sa TV 5.

Sinabi ni Megastar sa kanyang Instagram na hindi rin niya alam kung bakit kumakalat sa social media na guest siya  sa ASAP last Sunday in celebration of her birthday last January 6, gayung  hindi naman daw siya umoo.

“Wala po ako sa A.S.A.P  sa Sunday! I  don`t  know why kumakalat sa social media na guest  po ako when  di naman po ako nag “yes”  sa pag-guest  at di ko alam pang-birthday ko pala dapat  yun, kasi patapos na ang buwan at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin,” paglilinaw ni Sharon.

Ang isa pang hindi nagustuhan ng Megastar ay nadadamay pa ang kanyang anak kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion dahil natatanong kung dadalo ba ito  dahil  naging isyu  nga ito last year na hindi ito dumating sa birthday tribute sa kanya sa ASAP.
“Ayoko din yung nadadamay  pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para  tuloy di mo alam kung celebration  ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina,” aniya.
“I love my ASAP family ( I love Mr, M most of all. Pero nawala na siya doon),” patuloy pa ng Megastar
Alam ni Sharon na pagmumulan na naman ito ng issue kaya hindi niya naitago ang galit.
“But this is upsetting. Kasi pag hindi ako lumabas eh, di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko,” say pa ng Megastar.
“The stars of ASAP  having nothing to do with this. I am sure the staff meant well by adding me to guest. Unfortunately, this  is still unfair  to me,” pagtatapos ni Sharon.