Advertisers
Naungusan na natin ang Indonesia. Tayo na lider sa buong Timog Silangang Asya. Hindi po yan sa SEA Games o anumang sporting event.
Ito ay padamihan sa kaso ng COVID-19. 119,460 na ang kabuuan na nahawa sa atin base sa ulat noong Huwebes habang may 118,783 lamang ang mga Indones.
Ang iba pang bansa na dinaig natin ay Singapore, Malaysia, Vietnam, Thailand na mga tradisyunal nating karibal sa palaro tuwing ikalawang taon. Idagdag pa ang Cambodia, Myanmar, Timor-Leste, Brunei at Laos sa bahagi na ito ng mundo ay talo rin natin.
Bakit ang mga kalapit nating mga nasyon ay pababa na ang bilang samantalang tayo ay pataas nang pataas.
Sabi ng gobyerno ay pasaway tayo kasi. Matitigas daw mga ulo natin. Labas nang labas.
Sagot naman ng taong-bayan ay pabaya ang pamahalaan. Noong umpisa minaliit ang COVID-19 hanggang ngayon ay walang malinaw na komprehensibong programa para sa lahat.
Basta paniwala natin kung may magandang plano at maayos na pagpapatupad ay susunod ang mga Pinoy.
Tingnan ninyo ating mga OFW at mga immigrant na mga kababayan. Puring-puri pa ng mga bossing nila sa kasipagan at pagkamasunurin.
Kung tayo nasa ibabaw ng paramihan ng tinamaan ng China veerus ay nasa ilalim pa ng pinakamasamang ekonomiya sa rehiyon. Sus Ginoo, mga kapwa ko Pilipino!
***
Eka ni Pepeng Kirat na ang number one sa Western Conference ng NBA na Lakers ay petiks na lang ang game ngayon.
Dalawang sunod na talo sila matapos makopo ang titulo sa West. Una sa Thunder noong Huwebes kung saan wala si Dwight Howard. Sinundan yan ng olat sa Rockets kung saan hindi naman naglaro sina LeBron James, Javale McGee at Alex Caruso. 2-3 na sila sa Orlando bubble.
Naniniwala naman si Pepe na bahagi ito ng strategy ni Coach Frank Vogel. Ipahinga mga key players at bigyan ng exposure mga bench cagers nila. Sa game kontra sa Oklahoma City ay ilang minuto rin binigay sa kapatid ni Giannis Anteto-kounmpo na si Kostas. Sa laro vs Houston napagbigyan ng minuto ang 19 anyos na si Talen Horton-Tucker. Sa parehong match ay may playing time ang pinakabagong Laker na si JR Smith.
Tiyak naman na mag-iiba na ng gear ang LAL sa huling 3 game ng regular season upang makapagbitbit ng winning streak sa playoffs.
Tama ba LeBron at Anthony? Sang-ayon ba kayo kay Pepe?