Advertisers

Advertisers

Dyowang aktor dumepensa… Sue Ramirez inakusahang kerida ni Ian Veneracion

0 279

Advertisers

Ni Juliet Pacot
WALANG relasyon at hindi kalaguyo ni Sue Ramirez si Ian Veneracion. Ito ay ayon sa mismong dyowa ni Sue na si Javi Benitez. 
Ginawa ng newbie actor ang pagtatanggol sa aktres makaraang targetin ng akusasyon na mayroon daw “secret relationship” si Sue kay Ian.
Sa pahayag ni  Javi, anak ng dating kongresista at bilyonaryong si Albee Benitez, hindi maruming babae si Sue kaya sana raw ay tigilan na rin ang pagbansag sa kanya ng mga kritiko bilang starlet.
Nag-ugat ang isyu matapos ire-post ng 24-year-old actress ang kanyang bikini photo na kita ang kanyang pwet, at doon na inungkat na kalaguyo raw nito ang 45-anyos na si Ian.
 
 
 
 
Dedma lang naman si Sue sa mga banat sa kanya, pawang “good vibes” ang tema ng mga ipino-post nito online sa gitna ng kinahaharap na kontrobersya.

Noong nakaraang buwan lang nang pagpiyestahan ang pagrampa ni Sue sa dagat na naka-T-back kaya agad napansin ng kanyang mahigit 8 million followers ang pag-alog ng kanyang pwet.