Advertisers
Advertisers
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DAHIL nasa lock-in taping na si Snooky Serna ay hindi na siya ngayon tinutuksong pagong dahil sa bagal ng kilos niya papunta sa kanyang mga show o project.
Sabagay, noon pa man ay binago na ni Snooky ang kanyang pagiging late sa mga showbiz commitments kaya dumami na ulit ang offers sa kanya.
Isa si Snooky sa lead characters ng teleseryeng “Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday” kasama sina Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, at Migo Adecer, na nagbalik-telebisyon na rin matapos matengga ang serye ng ilang buwan sanhi ng pandemya.
At habang nasa lock-in taping ay napuna ni Snooky ang kaseksihan ng kanyang ka-kontemporaryo na si Dina. Sa edad nito ngayon kasi ay maasim pa talaga ang dating ng alindog ni Dina.
Dahil dito ay naengganyo si Snooky na maabot din ang kaseksihan ni Dina.
Kaya nang humingi ng payo si Snooky kung paanong maa-achieve ang katawan ng aktres, hindi naman nagdamot si Dina bagkus isinama pa niya si Snooky sa daily healthy exercises na routine niya.
“Magbalik-alindog. Naks, para namang may alindog pa ako!,” aniSnooky.
***
AT dahil resume na nga ang work at nasa lock-in taping ang buong cast ng “Magkaagaw” ay hindi na kataka-taka na muling mabuhay ang isyu sa May-December love affair nina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz na magkasama sa naturang serye.
Hindi rin naman nagpapadaig sa tsika ang sweetness overload nina Klea Pineda at Jeric, na madalas daw na makitang magkasama sa mga lakaran at very sweet sa isa’t isa.
Kaya maraming followers ni Jeric ang nagtatanong kung sino nga ba talaga ang karelasyon niya sa dalawa?
Say naman ng aktor, single and very much available siya. At halos ilang taon na rin naman daw ang nakalilipas nang magkaroon siya ng karelasyon.
Dagdag pa ng aktor, hindi niya priority sa ngayon ang pagkakaroon ng dyowa bagkus ay sa pamilya at kanyang karir nakapokus ang young actor.
Sey pa ni Jeric, parang ngayon lang daw talaga siya nakababawi sa kanyang pamilya. Bitin si Jeric sa family bonding nila ng mga kapamilya nitong kasagsagan ng pandemya.
Naging malaking tulong din kay Jeric ang pandemya kasi nagkaroon siya ng maraming oras para tutukan ang kanyang hilig sa musika. Mui siyang ang nag-aral mag-piano at mag-gitara para kung sakali ay ma-akompanyahan niya ang sarili pag may nag-request sa kanyang kumanta. Kasabay nito ay nag-acting workshop pa rin si Jeric para mas lalong mahasa ang talento niya sa pag-arte.