Advertisers
Sa pandemyang dinaranas ngayon dulot ng COVID-19 ay mistulang paranoid na ang maraming mamamayan na komo residente ng QUEZON CITY partikular na sa BRGY. KAMUNING ay pinandidirihan o nilalayuan dahil lamang ang nadiskubrehang nagtataglay ng UNITED KINGDOM VARIANT ng COVID-19 na galing DUBAI e naninirahan sa BRGY. KAMUNING.., gayung mula noong dumating sa airport ang naturang OVERSEAS FILIPINO WORKER ay ni hindi siya nakarating sa kanilang lugar dahil nanatili muna siya sa QUARANTINE FACILITY bilang bahagi sa ipinaiiral na HEALTH PROTOCOL.
Maging ang munisipalidad ng ARAYAT, PAMPANGA ay nagpasa ng ordinansang nagbabawal makapasok sa kanilang lugar ang mga taga-QC sa dahilang pagpoprotekta sa kalusugan ng kanilang mga constituent laban sa covid variants.
“We strongly denounce the Arayat local government’s decision to restrict the entry of Quezon City residents to their municipality, because this decision is totally without basis, can cause undue panic, and is tantamount to discrimination,” pahayag ni QC MAYOR JOY BELMONTE kasunod ang panawagan nito na huwag pandirihan lalo na ang mga residente ng BRGY. KAMUNING.
“There is no need to lockdown Kamuning or any parts of it as the patient did not even set foot in the community upon his arrival, nor did he meet his family. We only implement lockdowns or what we call special concern lockdowns when we see that there is a clustering of cases in a specific area that may be indicative of community transmission. Since he did not go home, there is clearly no reason why we should impose any lockdown,” paglilinaw ni MAYOR JOY.
Nalulungkot si MAYOR JOY dahil may mga residente sa BRGY. KAMUNING ang dumanas ng diskriminasyon dahil sila ay residente sa naturang barangay; kung saan ang ilan pa sa mga residente ay sinabihan ng kanilang mga employer na huwag muna silang pumasok para sa pagtatrabaho.
“Our anti-discrimination ordinance remains in force. Do not discriminate people from Kamuning because there is no need to fear them as possible carriers of the new COVID-19 variant,” pagpupunto ni MAYOR JOY.
Lumalabas na noong January 7 ay dumating sa bansa ang lalakeng OFW kasama ang kaniyang nobya na agad silang dinala sa QUARANTINE HOTEL bilang bahagi ng HEALTH PROTOCOL. Kinabukasan ay nakumpirmang COVID-19 POSITIVE ang lalake kaya ito ay sinundo ng BRGY KAMUNING BHERT at dinala ito sa QC ISOLATION FACILITIES. Ang sample ng pasyente ay pinadala sa PHILIPPINE GENOME CENTER, na noong gabi ng January 13 ay inimpormahan ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang QC GOVERNMENT at ang CITY HEALTH DEPARTMENT na ang pasyente ay positive sa UNITED KINGDOM VARIANT.
Ilang araw ang lumipas ay nadiskubre naman na nagpositibo rin sa UK VARIANT ang girlfriend at ina ng lalakeng nanggaling sa DUBAI.., subalit, sa maagap na aksiyon ng QC GOVERNMENT ay negatibo na sa naturang virus ang girlfriend at ina ng lalake base sa resulta ng kanilang swab test.
Ang lalakeng nanggaling sa DUBAI ay patuloy pa ring oobserbahan ng mga doctor sa quarantine facility bago ito mapayagang makauwi na at makasama ang kaniyang kapamilya.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.