Advertisers
TARGET ng pamahalaang lungsod ng Maynila na makapagtayo ng 18 vaccination sites para sa pagbabakuna kontra Covid-19.
Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isinagawang mass simulation ng Covid-19 vaccination sa Isabelo De Los Reyes Elementary School sa Tondo .
Ayon sa alkalde, 540 libo ang makakatanggap ng bakuna sa Covid-19 kung magagawa ang kanilang target, kungsaan 18 libo kada araw ang mababakunahan kung gagawin ang vaccination mula Lunes hanggang Linggo.
Ang simulation exercise na ito ang pinakamalapit sa katotohanan dahil sa target na maserbisyuhan ng isang libong volunteer.
Ito ay bahagi narin ng paghahanda para sa gagawing vaccination program ng gobyerno sakaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.
Dagdag pa ng alkalde, iba-iba ang paraan sa pagtuturok ng bakuna depende sa gagamitin, kaya’t kasama ito sa pinaghahandaan ng Manila Health Department at medical frontliners na katuwang nila sa vaccination program. (Jocelyn Domenden)