Advertisers

Advertisers

Sabihin lang

0 513

Advertisers

SIMPLE ang punto sa hinaharap. Kung gustong pumalaot sa halalan na pampanguluhan sa 2022, sabihin ng maaga upang makapaghanda. Kung hindi niya gusto, maigi na humudyat sa hahalili. Hindi prinsesa si Bise Presidente Leni Robredo upang hintayin magdesisyon ng mga kasama sa demokratikong kilusan. Kailangan ang maagap na pasya.

Hindi ordinaryo na kalaban ang Inferior Davao. Sindikato ito ng mga kriminal sa katimugan. Mayroon silang bilyones na salapi. Kanila ang Comelec kung saan apat sa pitong commissioner ay taga-Davao City. Walang maasahan na patas na desisyon sa Comelec.

Para matalo ang Inferior Davao, kailangan sa madaling panahon ang pagkakaisa ng puwersang demokratiko na kumakatawan sa oposisyon. Kailangan ang ibayong paghahanda sa laban. Hindi maaaring ipabukas ang kailangan na gawin sa ngayon.



Tatakbo ba o hindi tatakbo?

Iyan ang tanong na dapat sagutin. Labing-anim na buwan na lamang at masasalang na naman ang bansa sa isang halalan.

***

MAPALAD ang puwersang demokratiko ngayon sapagkat walang Grace Poe na nagpapanggap na kasama. Ginamit ang puwersang demokratiko sa pagkukunwari na kasama siya sa “Daang Matuwid” ng nakaraang administrasyon. Natalo si Grace Poe at kahit minsan hindi na binanggit ang anumang komitment sa demokrasya. Wala na ang “Daang Matuwid” niya. Peke pala siya.

Tanggap ng puwersang demokratiko na kaanib ang Liberal Party, Magdalo, Akbayan, Aksyon Demokratiko, at mga maliit na lapian na si Bise Presidente Leni Robredo ang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon sa 2022. Dahil siya ang VP, hepe siya ng puwersang demokratiko. Walang may balak ng guluhin ang puwersa. Tatanggapin ng sinuman sa oposisyon ang Bise Presidente sa sandaling nagdeklara ng kahandaan.



Walang bilyones na salapi ang Bise Presidente. Hindi kabilang si Leni sa mga malalaking pamilyang pulitikal. Hindi siya nagnakaw sa bayan ng bayan. Ordinaryong mamamayan ang Pangalawang Pangulo at umasa lamang sa sahod ng kanyang namayapang asawa upang itaguyod ang tatlong anak.

Walang malinaw na hudyat ang sinuman na susuporta sa kanya. Ayaw ng Bise Presidente ng suporta ng mga panginoong may salapi sapagkat hahawakan lamang siya sa leeg. Hindi niya ipagpapalit ang integridad ng Office of the President sa salapi. Hindi siya pasisilaw sa sinuman na gagawin siyang isang Makapili. Hindi siya ang babaeng Rodrigo Duterte na isinuko ang pagkatao sa China. Tanging ang integridad ang pinanghahawakan sa serbisyo publiko.

***

BATID ng Pangalawang Pangulo na malaking trabaho ang haharapin ng susunod na pangulo. Bagsak ang pambansang ekonomiya; nasa matinding economic recession. May GDP rate na -9.5% noong 2020. Humahataw ang pandemya; walang programa, plano, at istratehiya si Duterte para maharap ito.Umaasa sa bakuna – ito ang programa niya kontra pandemya.

Bagsak ang ekonomiya, kaya bagsak ang koleksyon ng buwis sa ngayon at hinaharap. Walang pera ang gobyerno upang tugunan ang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, panakahan, kalusugan, at tulong sa mga kalamidad. Walang solusyon kundi mangutang ng mangutang sa pribadong sektor at multilateral agencies. Lampas P10 trilyon ang utang ng national government sa ngayon.

Maaaring umabot sa P15 trilyon ang utang ng national government sa pagtatapos ng termino ni Duterte sa susunod na taon. Tumataas ang pambansang budget taon-taon dahil sa laki ng mga gastos at pagtaas ng bilihin at halaga ng serbisyo. Hindi tumataas ang buwis at kita ng gobyerno; bumababa pa nga, ayon sa opisyal na datos.

Bukod diyan, kailangan ayusin ang maraming bagay sa lipunan. Maraming ginawa ang pangkat ng Inferior Davao na malayo sa nakasanayang buhay sa ibang panig ng bansa. Naghari ngunit hindi naman kagalingan. Palpak ang Inferior Davao sa maikli.

***

MANDIRIGMA ang kailangan na isasagupa sa susunod na halalan. Hindi papungyan ng mga mata o palantikan ng mga daliri ang halalan sa 2022. Ibayong paghahanda at determinasyon sa sarili ang lumaban sa 2022. Mga demonyo sa lupa ang haharapin.

Kailangan ang komitment na ipagtanggol ang sistemang demokraitiko, ang 1987 Saligang Batas, pangingibabaw ng batas (rule of law) at maayos na proseso (due process) at karapatan pantao (human rights). Kailangan ipagtanggol ang mga pandaigdigan na kasunduan at tratado sa isyu ng children’s welfare at climate change. Kailangan labanan ang pagpapalakas ng China at pananakop sa ating teritoryo. Kailangan ang lider na titindig kontra China.

Kailangan maayos ang Kongreso at Hudikatura. Kailangan maalis ang mga malalaking political dynasty at mga illegal na mahistrado na nasa hukuman. Maraming usapin na maaring harapin sa mga susunod na araw.

***

NALULUSAW ang koalisyon ni Duterte dahil wala itong nagawa na mabuti sa bayan. Wala itong naipakita na maganda sa bayan. Hindi na ito ang koalisyon ng iba’t ibang puwersa na nagdala sa kanya sa tagumpay noong 2016.

Nagsasarili ang isang paksyon sa PDP-Laban at mukhang inihahanda si Manny Pacquiao na lumaban sa Inferior Davao. Hindi malinaw kung susuportahan ng Nacionalista Party ng mga Villar, National Unity Party, at Lakas NUCD ang alinman kay Sara Duterte o Bong Go na maaaring ilaban ng grupong Davao. Wala na rin sa kanila ang grupong nat-dem.

Sa takbo ng pulitika, mas mahalaga na makuha ng oposisyon ang mga grupong aalagwa sa koalisyon ni Duterte. Magpapalakas sila kahit paano sa oposisyon. Mas mahalaga na ito ang isipin ng puwersang demokratiko. Kailangan maibalik ang mga puwersang nawala sa kanila g manalo si Duterte noong 2016.

Kailangan maiwasan ang sitwasyon na sa koalisyon mismo ni Duterte galing ang oposisyon. Hindi ito katanggap-tanggap, ngunit maaari itong mangyari dahil sa kanila ang Comelec. Kailangan ang maayos na liderato sa puwersang demokratiko. Kailangan magdesisyon ang Pangalawang Pangulo sa isyu. Lalaban ka ba o hindi?

Sabihin lang.