Advertisers

Advertisers

Alden pinasisibak sa musical show; Ruru at Bianca, lumalalim ang relasyon

0 306

Advertisers

NI GERRY OCAMPO

EXCITED na ang mga aspiring Bida Kids na magpapasiklaban muli sa singing competition ng GMA Network na Centerstage. Yes,muling mapapanood ang programa na natigil last year dahil sa Covid 19 pandemic.

Pero usap-usapan sa social media kung paano raw ito mangyayari dahil bawal pa rin lumabas para magtrabaho ang mga kabataang wala pa sa edad na 15, agad nagbigay ng pahayag ang Kapuso Network ng gagawin para muling mapanood ang mga aspiring young contestant.



Ibibida ng Network ang makabago nilang virtual set para sa kaligtasan na rin ng contestant at production team. Mananatili pa ring walang live audience ang programa. Ang mangyayari ay isu-shoot nila ang performance ng mga contestant sa kani-kanilang mga bahay kaya hindi na kailangan lumabas ang mga young aspiring contestant para sa Centerstage.

Sina Alden Richards at Betong Sumaya ang magsisilbing host ng Centerstage at ang mga hurado naman ay sina Aicelle Santos, Maestro Mel Villena at Pops Fernandez. Magsisimula na ang programa sa February 7 (Sunday) sa GMA 7.

Samantalang may isyu pala ang ilang fans ng mga co-performer ni Alden sa All Out Sunday. May fan na gustong ipatanggal sa show si Alden dahil hindi raw nabibigyan ng exposure sa show ang ibang kasama sa Sunday noontime show.

Bakit daw puro na lang si Alden, paano naman daw ang ibang Kapuso talent na kasama sa show? Sinagot naman kaagad ito ng fans ni Alden para sabihin na paano raw nangyari na puro si Alden eh madalas ay sa opening at closing na lang daw ito lumalabas. Dumarami lang daw ang exposure ng actor kapag birthday nito pero kadalasan ay intro at extro lang ito. May isyu rin ang fans ni Alden na nakukulangan sila sa exposure ng actor sa All Out Sunday. Parang nasasayang lang daw ang Sunday ni Alden na sa halip na i-spend sa pamilya niya ay nasa AOS pa ito tapos ay intro at extro lang ang exposure.

Well, baka naman ‘yun talaga ang pinag-usapan nina Alden at management ng GMA 7.



***

TILA seryoso na ang pagmamahalan nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Mapapansin sa ipinost ni Ruru sa IG ang photo at video nila na magkasama last January 23.

Sa post na larawan ay makikita na nakatitig sila sa isa’t isa habang naka-face mask. Mapapanood naman sa video na nagdya-jogging sila habang umuulan.

“Miss you each day, everyday, all the time,” caption ni Ruru. Sinagot naman ni Bianca gamit ang rose emoji. Payo ng kanilang fans na kahit magkalayo sila ay maging matatag sila kahit na magkalayo silang dalawa ngayon.

Pareho kasi silang busy sa kanilang mga trabaho. Si Bianca ay naka-lock-in taping para sa GMA drama na Legal Wives kasama nina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres. Samantalang si Ruru naman ay naghahanda para sa action adventure series na Lolong na pagsasamahan nila ni Shaira Diaz.

Habang nagdadalaga kasi si Bianca ay lalo itong gumaganda at sumeksi. Kaya hindi kataka-taka kung maraming Kapuso actor ang nabibighani sa dalaga. Isa na nga riyan ang Kapuso actor na si Derric Monasterio na hindi itinago ang paghanga at pagnanais pumorma kay Bianca.