Advertisers

Advertisers

Lalaki huli sa pagtutulak ng party drugs sa Makati

0 256

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na nagbebenta ng mga droga sa isang bar sa Makati.
Nauwi rin sa pagsita sa mga nagpa-party na lumabag sa health protocol ang isinagawang bauy bust operation.
Ayon kay Makati Police Chief Police Col. Harold Depositar, matagal na nilang binabantayan ang suspek na dati na ring nakulong dahil sa droga.
Nagkasa sila ng buy-bust operation at dinala sila ng suspek sa isang bar sa Barangay Poblacion sa Makati. Matapos ang bentahan, hinuli agad ang suspek.
Nakuha sa kaniya ang higit P50,000 na halaga ng kush o high grade marijuana. May ilang ecstasy tablets din ang nasabat sa kaniya.
Ayon sa Makati Police, mga mayayaman ang target customer ng suspek dahil mahal ang kush kumpara sa ordinaryong marijuana.
Posible rin umano na umiikot ang suspek sa iba’t ibang high-end bar sa lungsod para magtulak ng droga.
Pero bukod sa droga, napansin din ng awtoridad na siksikan sa loob ng bar at maraming nag-iinuman at nagpa-party. Pasado hatinggabi na rin kaya may paglabag din sa curfew at karamihan walang face mask o face shield.
Ayon kay Barangay Kagawad Conrado Vazquez, akala ng marami na dahil lumuwag ang quarantine ay pwede na mag-party. Tuloy pa rin aniya ang pagronda ng barangay para ma-check ang mga establisimyento sa lugar.
Higit 50 ang nabigyan ng tiket kabilang ang ilang dayuhan. Hindi na sila ikinulong pero kailangan magbayad ng P2,000 na multa dahil sa paglabag sa mga health protocol.(Gaynor Bonilla)