Advertisers
TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na gagamitin na nila sa Pebrero ang mga body cams na kanilang inorder para sa kanilang mga anti-drug operations.
Ito ay ayon kay PNP Directorate for Logistics Director Maj. Gen. Angelito Casimiro.
Sa panayam kay Casimiro, sinabi nito na delivered na ang 2,686 na body camera units.
Magugunitang ibinigay ng PNP Bids and Awards Committee (BAC) nitong Disyembre 2020 sa EVI Distribution Inc. ang deal ng P289-million contract kasama ang pagkuha ng 2,600 piraso ng body worn cameras; accessories; video management software; computer servers; storage at connectivity systems para sa body cameras ganoong din ang paglalagay ng central data centers, , national management at monitoring center, 17 regional monitoring centers, at 81 provincial monitoring centers na susportahan ng system nito.
One 100% delivered na rin sa 269 PNP sites at na-install na rin yung 65 percent PLDT interconnectivity na kailangan nila doon sa site para sa system and configuration at nasa 46 percent na ang accomplishment nito.
Gagamitin ang mga body cameras sa susunod na buwan at ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang siyang unang gagamit ng mga ito.
Ikinakasa din ang PNP Logistics na magsagawa ng seminar para sa mga pulis ng NCRPO para maintindihan nila yung protocol at paano ito gamitin.
Ituturo din sa kapulisan kung paano gamitin bilang ebidensya ang body camera sa korte.
Aminado si Casimiro na ang system ng body cam at ang paggamit nito ay complicated kaya dapat marunong talaga gumamit ang mga pulis.
Magugunitang umorder ng mga body cameras ang PNP matapos ang mga pagdududa ng publiko sa mga nagaganap na extra judicial killings partikular sa war on drugs sa administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na kadalasang sinasabi ng pulis sa pagkamatay ng mga suspek sa kanilang mga operasyon ay dahil sa nanlaban ang mga ito.
Malaking tulong ang mga body cameras na ito upang ganap na mapabulaan ang mga akusasyon ng kritiko ng pamahalaan na ang mga nasasawi sa mga anti-drugs ops ay mga biktima ng salvage.
Sa wakas ay mabubusalan na rin ang mga bunganga ng mga kritiko ng administrasyong Duterte patungkol sa summary killings na ginagawang propaganda platform ng mga taong may interes at layong siraan ang pamahalaan sa mata ng publiko.
Napatunayan din na “above board” ang deal patungkol sa pagbili ng PNP sa mga body cams na una nang kinuwestiyon ng mga makakati ang dila at mga taong tamang hinala.
Congrats sa PNP at kay General Debold Sinas.
Again, napatunayan ng gobyernong ito na ang mga pagpula at pagpuna sa pinaigting na kampanya laban sa salot na droga ay kagagawan ng mga kalaban sa pulitika ng nakaupong Pangulo at ang intensified campaign against illegal drugs ay ipagpapatuloy ng walang humpay ng kapulisan alinsunod sa mahigpit na kautusan at tagubilin ni Tatay Digong para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan partikular na ng mga kabataan!
Sa ganang atin, sulit ang malaking halagang inilaan dito upang ipakita ng ating bansa sa buong mundo na ang kapulisan natin ay hi-tech na at laang makipagsabayan sa ano mang police force sa buong mundo.
Again, kudos to PNP!
PS.
Nais natin batiin ang ating kaibigan na si Eldred Iñigo na may-ari ng Carl-Link Accessories and Service na matatagpuan sa 2859 Finlandia St. Brgy San Isidro, Makati City, na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Biyernes…
Happy Birthday Pareng Eldred Iñigo!
More Birthday’s to come!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com