Advertisers
TUNAY na mahalaga ang edukasyon sa ikauunlad ng bayan.
Dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa daigdig.
Magsisilbing sandata ito upang magkaroon ng magandang buhay ang bawat isa.
Sinasabing ang paghahanda para sa ating kinabukasan ay isa sa mga mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay sa mundong ibabaw.
Kaya naman, sa Marikina City, isa sa mga priority projects ng pamahalaang lungsod ang scholarship program.
Kamakailan nga, pinagkalooban ni MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO ng medical scholarship ang anim na residente ng lungsod na nangangarap na maging doktor sa hinaharap sa pamamagitan ng “LIBRENG PAG-AARAL SA PAGDO-DOKTOR PARA SA MGA MARIKEÑO” Program.
Ayon kay Teodoro, dalawang medical students ang napagkalooban ng Gold Scholarship Grant kung saan makakatanggap sila ng P150,000 educational assistance bawat isa. Ito’y sina ERIKA MERCADO ng Barangay Concepcion Dos; at JEMICAH TRISTIAN COBARRUBIAS ng Barangay Jesus Dela Peña.
Ang apat namang medical students na nakakuha ng Silver Scholarship Grant na nagkakahalaga ng P75,000 bilang education assistance bawat isa ay sina DALE JOSEPH DINO ng Barangay Sta. Elena; ANGELICA REYES ng Barangay Concepcion Uno; CHRISTINA JOYCE DIANO ng Barangay Barangka; at ANGELO FRANCO RAFAEL PIAMONTE ng Barangay IVC.
Aba’y saludo po ako sa inyo, Mayor Marcy. Isa po kayong huwarang ama ng lungsod!
MANDATORY CONTACT TRACING SA MUNTINLUPA
MAS pinaiigting ngayon ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang COVID-19 response at contact tracing sa lungsod.
Ito’y makaraang ilunsad ng Local Government Unit (LGU), katuwang ang Department of Health (DOH), ang STAYSAFE.PH APP bilang official digital contact tracing system sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “NO QR CODE, NO ENTRY POLICY” sa lahat ng local establishments.
Ang launching ng proyekto ay dinaluhan nina MAYOR JAIME FRESNEDI, Department of Health exec DR. ANATOLY DE LOS SANTOS, at iba pang local officials sa Filinvest Mall Alabang nitong Biyernes, Enero 29.
Dumalo rin sa event sina CONGRESSMAN RUFFY BIAZON, City Health Officer DRA. MARIA TERESA TULIAO, Filinvest Land senior vice president JOSELITO SANTOS, Committee on Health and Sanitation chairman COUN. ALLAN REY CAMILON, City Administrator ENGR. ALLAN CACHUELA, at MultiSys Technologies Corporation CEO DAVID ALMIROL.
Ayon kay Fresnedi, inilunsad ang programa bilang pagtalima sa rekomendasyon ng national government ukol sa uniformed contact tracing upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 lalo pa’t may mga naitatala nang kaso ng bagong B117 SARS-CoV-2 variant (UK variant) sa bansa.
Sa pamamagitan ng nasabing app o application, natutukoy ang mga close encounters ng mga coronavirus patients at tutuntunin din ng mga contact tracers ang kanilang aktibidad mula nang makaramdam ng sintomas o sumailalim sa swab testing.
Samantala, kung hindi ako nagkakamali, magsasagawa rin ng city-wide inspection ang STAYSAFE.PH TASK FORCE para tiyaking nasusunod ng mga public at private establishments ang naturang kautusan.
Aba’y good job, mga bossing, at stay safe po!
***
PARA sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Instagram, at FB pages. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at God bless!