Advertisers
Ni JULIET PACOT
LAGING nauudlot ang pagpapaopera sa malaking dibdib ni Maui Taylor na idinadaing na nito dahil sa sobrang bigat.
Pero sa oras matapos ang mga lock-in taping nito na nagpapaurong sa iskedyul ay sasalang na ito sa operasyon.
Tatanggalin na sana ang malaki niyang dibdib nang bago magsimula ang digital movie na Paglaki ko Gusto kong Maging Pornstar.
Nagtuluy-tuloy aniya ang trabaho at naka-lock in sa ilang araw na shooting, bukod pa sa isang pelikulang gagawin nito sa ilalim ng Viva.
Ang laki ng pasasalamat niya sa Viva dahil pagkatapos ng Pakboys: Takusa, nasundan ito agad ng Pornstar, at meron na raw siyang kasunod na pelikula.
Yun nga lang, hindi tuloy siya makakuha ng schedule para ipatanggal ang silicone sa boobs.
Nahihirapan na raw kasi siya ngayon sa bigat nito.
“Mabigat siya, e. Saka nagmumukha akong malaki. Maliit lang naman ako, e, ‘tapos malaki siya. Mabigat po sa likod, e,” pakli ng actress.
“Gusto ko na po talaga… Sunud-sunod po kasi talaga iyong projects.
Sa edad ni Maui na 37, hindi na niya kailangan ang nagmumurang boobs na kung minsan ay parang matigas na bao.