Advertisers

Advertisers

Tunay na bida sa anti-illegal drug operation ng QCPD PS4

0 24

Advertisers

Sino nga ba ang mga tunay na bida sa mga anti-illegal drug operations? Sino nga ba ang totoong nagbubuwis ng buhay sa drug operations? Sino nga ba?

Si PNP Chief ba? Ang Regional Directors ba? Ang Provincial Directors ba? Ang District Directors? Ang City Directors ba? Teka, ang police station commanders ba? Ang team leaders ba at ang kanyang mga tauhan? Kayo na ang bahalang humusga mga dear fellow Filipinos.

Alam niyo naman na siguro kung sino ang may malaking kontribusyon o kung sino ang parating nakaharap sa mga operasyon na tunay nagbubuwis ng buhay. Hindi lang sa drug operations kung hindi maging sa iba pang anti-criminality operations.

Ang masama nga lang, kung sino pa ang nagkukulong sa de-aircon nilang opisina at pakuya-kuyakoy lang at naghihintay ng “grasya” – sila pa iyong maepal sa isang accomplishment na wala naman silang kontribusyon.

Nitong Abril 11, 2026, ang Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ay may isinagawang matagumpay na buy-bust operation.

Matagumpay ang operasyon makaraang maaresto ang isa sa pangunahing nagkakalat ng ilegal na droga sa area of responsibility ng PS4. Pagkadakip kay alyas “Boss Joseph”, siya na nakompiskahan ng high grade marijuana leaves “hush” na nagkakahalaga ng mahigit sa P900,000.00.

Dinakip si Boss Joseph sa Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches matapos na bentahan ng droga ang isang pulis ng SDEU na nagpanggap na buyer. Ang pagkakadakip o ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng PS4 sa ilalim ni Station Commander Police Lt. Col. Dave Anthony R Capurcos alinsunod naman sa direktiba ni District Director, PBrig. Gen. Randy Glenn Silvio.

Pero sino-sino nga ba ang tunay na bida sa operasyon – ang mga nagbuwis ng buhay? Sa nakalap natin dokumento, narito ang mga bayani na nasa likod ng matagumpay na anti-illegal drug operation (arresting officers ayon sa report) – PLt. Benhur Jose, Station Drug Enforement Unit chief; PMSg Jeffrey Suba; PSSg/s Lesly Allan Corpuz; Mark Kevin Mendieta; Enerijo Marfil; Mark Joseph Lambo; Daryl Ciriaco (poseur buyer); Charles Jabien (immediate backup); PCpl. Francisco Patane III; PSSg John Dalle Ang; PSSg Christopher Babia; Pat Harviekim Carem; PCpl John Larey Offalla at PSSg Bronhson Susano.

Iyan ang mga dapat natin saluduhan sa pagkakakumpiska ng halos P1 milyon halaga ng high grade pinatuyong dahon ng marijuana. Sa pagtataya ng buhay ng mga nabanggit, masasabing libong bilang ng kabataan ang nailigtas na tiyak na kapamahakan.

Ang tanong, paano kaya kung wala itong mga bayani natin? paano kaya kung nakalusot na naikalat ang droga sa lungsod?

Sa QCitizen, pugay kamay tayo sa tropa ng PS4 – SDEU.