Advertisers

Advertisers

LPG store sinilaban ng helper: 2 bata, 1 pa nalitson

0 3

Advertisers

Nasawi ang dalawang menor edad at 49-anyos na babae nang silaban umano ng helper ang tindahan ng Liquefied petroleum gas (LPG) sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City nitong Linggo ng madaling madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Jane Dongallo Oraño, 49, walang asawa, renter at may-ari ng tindahan ng LPG; 11-anyos na si alyas “CL’, at “TL”, 9, parehong Grade 3 pupil, pawang mga residente ng No.15-C Durian St., Area 7, Brgy. Pasong Tamo na pamangkin ng store manager na Adriano Duque Leonaras, 56, manager ng Adriano LPG store, nagtamo naman ng 3rd degree burns.
Dinala din sa ospital ang manger at ang suspek na si alias “Joross”, 21, helper ng LPG store na sa East Avenue Medical Center.
Batay sa inisyal na imbestigasyon nina P/Cpl Benito Catungal Jr. at P/SSg Jordan A Barbado ng Criminal Investigation and Detectyion Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-3: 50 ng madaling araw nang sadya umanong sunugin ng lasing na helper ang LPG store.
Bago ang insidente, nagkaroon umano ng matinding alitan sina Adriano at ang helper at narinig ng mga kapitbahay ang pagbabanta ng huli na pasisingawin ang mga tangke ng LPG at susunugin ang tinutuluyan nito.
“Pasisiritin ko tong mga gasul at susunugin ko itong bahay na ito,” galit na sinabi umano ng helper.
Matapos ang ilang saglit ay suniklab na ang apoy at nang maapula alas-4:39 ng umaga ay natagpuan ang mga bangkay ng ng biktima sa loob ng tindahan ng LPG.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa helper. (Almar Danguilan)