Advertisers

Advertisers

Cayetano: Kailangan ng mas maagap na paghahanda sa krisis

0 4

Advertisers

I

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na kailangang baguhin ng gobyerno ang paraan ng pagtugon sa krisis, mula sa pagiging reactive tungo sa mas maagap at planadong aksyon.

Sa isang Facebook livestream, sinabi ni Cayetano na hindi dapat naghihintay ang pamahalaan na lumala ang sitwasyon bago ito kumilos.



Ayon sa kanya, mas epektibo ang pamamahala kung maaga pa lang ay natutukoy na ang posibleng panganib na dulot ng isang sitwasyon.

“Alam natin na kung hindi man crisis, y’ung potential for crisis [naroon.] That’s why maraming bansa [ang] nag-create ng separate crisis committee kasi you have to continue governing, but you also have to have your contingency plans and the actual reaction whether relief iyan or on-the-spot reforms,” sabi ni Cayetano.



Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang pagkakamali bago magdesisyon upang maiwasan ang mas malalaking problema.

“Napakaimportante ng review at rewind. Bakit? Para hindi mo maulit y’ung problema. Para hindi maulit y’ung mali. A problem should be met by a solution, not with a bigger problem,” sabi niya.



Babala ni Cayetano, kung hindi matututo ang gobyerno sa mga pagkakamali ng nakaraan ay maaaring maulit ang mga ito.

Dagdag niya, nararapat ding pag-aralan ang mga tamang datos sa pagbuo ng plano at pagtugon sa krisis dahil kapag mali ang impormasyon, mali rin ang magiging solusyon.

“If we don’t learn our lessons, we’ll keep having bigger problems. Kung mali ang facts natin, mali rin ang conclusion natin,” wika ng minority leader.

Ayon kay Cayetano, dapat ding nakaayon sa aktwal na sitwasyon sa bawat lugar ang paghahanda dahil magkakaiba ang problema sa bawat rehiyon.

“Hindi pwedeng ‘one size fits all’… kailangan personalized iyan. Kailangan nakatutok iyan sa sitwasyon ng lugar,” sabi niya.

Bagama’t nakikita niyang unti-unting gumaganda ang pagtugon ng gobyerno sa krisis, sinabi niyang inaasahan ng publiko ang mas maayos na sistema.

Hinihikayat din niya ang mga Pilipino na makibahagi sa paghahanda at pagpaplano para sa mas mabilis at epektibong aksyon sa oras ng sakuna.

“Pray for specific points so that we will always be more prepared and we can plan better. That way, we can leverage and have a better response sa lahat ng problema ng ating bansa,” sabi ni Cayetano.###