Advertisers
Ni Anne Venancio
Ibinahagi ng komedyante na si Ate Gay ang kanyang karanasan bilang isa sa mga kilalang impersonator ng yumaong Superstar na si Nora Aunor, na matagal na niyang hinahangaan at ginagaya sa entablado.
Sa panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Ate Gay na kabisado niya ang mga kanta at istilo ng pag-arte ni Nora, na ginagamit niya sa kanyang impersonation performances.
“Napanood po ako. Lagi, pinapanood niya kaming mga impersonators niya at ayaw na ayaw niya ‘yung gumaganu’n kami. Ayaw niya, hindi naman daw siya gano’n,” aniya.
Isa sa hindi niya malilimutang sandali ay nang personal na sumuporta si Nora sa kanyang solo concert. “Nu’ng nag-guest siya sa aking solo concert sa Mall of Asia Arena… um-oo agad siya at umakyat siya sa stage,” ani Ate Gay.
Para sa komedyante, malaking karangalan ang naging pagkakataong iyon na makasama ang idolo sa entablado at maranasan ang kanyang suporta habang nabubuhay pa ang aktres.
Matatandaang pumanaw si Nora Aunor noong Abril 16, 2025 sa edad na 71. Para kay Ian, ang kanyang ina bilang haligi ng pamilya na puno ng pagmamahal, lakas, at kabutihan.
Patuloy namang binibigyang-pugay si Nora bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.