Advertisers
NAKIKIISA ang ating Philippine Army sa panawagan ng Filipino-Americans Against Communist Terrorism (FACT) na tigilan na ang pangrerecruit Communist Party of the Philippines–New People’s Army sa ating mga kabataan maging ang mga Filipino youth na nasa ibang bansa.
Ayon sa FACT, mayroon na silang mga naitalang mga kaso na mismong mga Filipino-American youths ang nalinlang at na-recruit na bilang mga NPA.
Ang sabi ng FACT, nakakapanghikayat ang mga front organizations ng CPP-NPA-NDF sa mga Fil-Am youth at nakukumbinsi pa ang mga ito na pumunta sa Pinas, at kalaunan ay NPA na sa mga kabundukan.
Isa sa kanila ay si Chantal Anicoche, isang 24-year-old graduate ng University of Maryland, na nailigtas noong January 8, 2026 ng ating Army matapos ang January 1 encounter sa Abra de Ilog, sa Occidental Mindoro. Nakaligtas di Chantal ng walang kain at tubig na maiinum matapos ang bakbakang iyon nang iwanan siya ng kanyang mga kasamahan sa NPA. Inaruga at ginamot ng mga sundalo matapos na siya ay natagpuan sa kagubatan, bago maibalik sa Maryland.
Sa ulat ng Army’s 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division may kasama pa si Anicoche na isa rin Filipino-American activist, sa pagpunta sa Mindoro. Ito si Cristina Pasion, na pinaniniwalaang hawak pa ng mga NPA.
Matatandaang noong March 29 naman, si Charlize Garzon, kilala bilang Ka Kaye, ay natagpuan at nadakip mga ilang metro lamang ang kayo sa lugar kung saan ang bangkay ni Capt. Dean Oyando ay nakahandusay sa sagupaang iyon, na dalawa pang sundalo ang sugatan. Kaya si Garzon ay naharap sa mga kasing kriminal.
Bukod sa M16 rifle at iba pang war materials, dokumento at mga personal na kagamitan, may mga journals din na nagtataglay ng mga sulat kamay na karanasan ng may akda, na pinaniniwalaang sulat ni Pasion.
Sa pahayag naman ni Army 2nd Division Public Affairs Office chief, Col. Michael Aquino, ang mga natuklasan at narecover na mga journal ay nagpapatunay lamang ng mga kahirapang karanasan ng mga narerecruit na kabataan ng NPA.
Kaya nanawagan din ang Army na maging mapagmatyag ang mga magulang sa kanilang mga anak. Tingnan ang mga pagbabago sa mga kinikilos ng mga ito at sino ang mga sinasamahan.
Mapanganib nga naman, na nalinlang lamang ng CPP-NPA-NDF ang ating mga anak.