Advertisers

Advertisers

Palitan si Jonvic, mahuhuli si Atong!

0 13

Advertisers

MAINGAY ngayon sa social media na papalitan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Si dating Senador Antonio Trillanes daw ang papalit kay Jonvic.

Totoo kaya ito?

Matagal nang naiisyu na papalitan si Jonvic. Kasi nga puros lang ito ingay pero kulang sa gawa.

Marami naring ginawang kapalpakan si Jonvic. Mga aksyon na nakasisira lang sa administrasdyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Katulad lamang nang ipag-utos niyang hulihin ang mga nakahubad ng damit sa labas ng bahay. Kungsaan pati ang mga nagtatrabaho ng naka-topless sa kalye ay pinaghuhuli, dahilan para pupugin ito ng nagngangalit na netizens. Anti-poor daw kasi ang “batas” ni Jovic.

Napakaingay din ni Jonvic laban sa wanted na gambling tycoon, Atong Ang.

Na nang dahil sa kanyang pagiging madaldal ay hindi mahuli-huli si Ang.

Nauna pa kasi ang kanyang ulat kesa aksyon.

Ibinalita niyang nasa Vietnam nagtatago si Atong.

Muntik na raw nilang mahuli si Ang, nahuli lang sila ng dating. Hehehe…

Masyado raw madulas si Atong, parang igat. Kaya nahihirapan silang hulihin ito.

Paano naman kasi nila mahuhuli si Ang eh nagpi-press release agad kung nasaan nagtatago ang umano’y mastermind sa pagkawala ng higit isandaang “madadayang” sabungero.

Sabi ng netizens, kung alisin nalang si Jonvic at palitan ni Trillanes, malamang na mahuli agad si Atong. Puede!

Ako rin ay naniniwala na maaaresto lang si Atong kung si Trillanes ang nakaupo sa DILG, ang may kontrol sa Philippine National Police (PNP).

Kahit sa Offce of the Ombudsman, ang kuya ni Jonvic na si Boying ay masyado ring maingay. Nauuna rin ang ulat kesa aksyon, dahilan para atakehin ito ng netizens.

Oo! Si Ombudsman Boying ay para ring babae ang bunganga. Andaming sinasabi pero walang resulta.

Tulad ng mga sangkot sa flood control scandal, ang mga napakulong niya ay ang mga walang koneksyon, pero ang mga “bigfish” na nangupit ng daan-daang milyones sa pondo ng publiko ay nasa laya pa’t nagyayabang.

Hindi naman masasabi na “bigfish” ang napakulong nilang si ex-Senator Bong Revilla dahil wala narin ito sa kapangyarihan.

Sina dating DPWH Engineers Roberto Bernardo, Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at iba pang dating opisyal ng public works na nakakulong ay hindi rin masasabing bigfish dahil wala namang koneksyon ang mga ito.

Ang mga sikat na sangkot sa malakihang kickbacks tulad nina Senador Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Zaldy Co, at Martin Romualdez ay nasa labas at nagpapasarap sa kanilang mga nakulimbat sa kaban ng bayan.

Ilang beses nang iniulat ni Boying na kakasuhan sina Villanueva, Jinggoy at Romualdez. Pero hanggang press release lang ito.

Si Zaldy Co, nakasuhan na at may arrest warrant, pero hindi naman mahuli-huli. Nagbubuhay-hari nga raw ito sa ibang bansa, Portugal.

Maiisyuhan na raw ng “red notice” ng Intepol si Co. Pero hindi naman daw agad ito maiuuwi sa Pilipinas kapag nahuli dahil walang extradition treaty ang Pilipinas at Portugal.

Si Senator “Bato” Dela Rosa nagtago na nang ianunsyo ni Boying na may kopya raw siya ng ICC arrest warrant.

Kung ‘di n’ya isinapubliko ang ICC warrant hindi sana’y naaresto na si Bato. Eh binigyan n’ya ng tips… nakapagtago tuloy ng todo si Kalbo. Ewan!