Advertisers
Ni Anne Venancio
Isinusulong ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang kahalagahan ng pagbibisikleta bilang bahagi ng kanyang healthy lifestyle at paghahanda sa kanyang upcoming series na Love, Siargao para sa Viu Philippines series.
Aniya, nakatutulong ang cycling sa kanyang physical fitness at pagpapanatili ng “beach body” na kailangan para sa kanyang role.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng disiplina sa kalsada at panawagan sa mga motorista na igalang ang mga siklista upang mas maging ligtas ang lahat ng gumagamit ng lansangan.
Kasalukuyang napapanood si Alden bilang host ng Stars on the Floor sa GMA 7.