Advertisers
Ni Beth Gelena
Nagbigay ng update si Janine Gutierrez sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jericho Rosales.
Inilarawan niya Janine sa Oh My Gan, ang relasyon niya kay Echo bilang simple, mapayapa at matibay ang kanilang pagsasama.
Si Jericho raw ay isang matibay na mapagkukunan niya ng lakas sa kanyang karera at personal na buhay.
Naaayon daw sa aktor ang mga katangiang ng lalaking mamahalin na minsan niyang ipinagdasal sa Panginoon.
Aniya, “Pag kaming dalawa lang, masaya, komportable.”
Inilarawan niya ang ginhawa na nararamdaman kapag sila ay magkasama.
Naalala niya kung paano nila ginugugol ang kanilang mga araw ng pahinga tuwing may lock-in tapings sa Iloilo.
“Magdadrive lang kami. Ang ginawa namin, nag-drive kami, dumaan sa simbahan, dumaan sa museum, kumain. Very simple lang. Parang just happy to spend time together. Kwentuhan,” wika niya
“Happy siya. Sobrang cheering for me,” dagdag pa niya
“Masaya akong makasama ang isang taong lubos na sumusuporta sa akin,” aniya.
“Nararamdaman ko yung suporta niya so it makes me feel happy and parang mas nabibigyan din ako ng lakas to work hard.”
Nakuha rin ni Echo ang loob ng pamilya ni Janine.
“Everybody loves him. Sobrang dali niyang naging part ng family.”
Ibinahagi pa niya na si Jericho ay nanatili sa tabi niya sa isa sa pinakamahirap na panahon ng kanyang buhay.
“Nandoon siya palagi,” pagbabahagi ni Janine.
“Lahat ng mga hinihingi ko kay Lord, nakikita ko sa’yo,” pakli niya kay Echo.