Advertisers

Advertisers

Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng Manacor tilt

0 199

Advertisers

NAKALIGTAS si Alex Eala sa malulupit na atake ng German qualifier na si Silvia Ambrosio, 7-6,(3), 1-6, 6-3, para makapasok sa quarterfinals ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor sa Spain kahapon.

Ang 15-year old PH junior bet ay medyo nanganib sa opening-frame pero unti-unting bumawi sa second-set para tapusin si Ambrosio sa loob ng dalawang oras at 48 minuto.

Dahil sa panalo ay abot kamay na ni Eala ang kanyang ikalawang pro title at makakaharap ang Russian Oksana Selekhmeteva,6-4,7-5, na nagwagi over wildcard laban kay Olga Helmi ng Denmark.



Ang 18-year-old Selekhmeteva ay kapwa junior reserved dito sa $15,000 tournament na kasalukuyang may Women’s Tennis Association (WTA) ranking na No.611 kumpara kay Eala No. 942.

Ang dalawa ay parehong left-handed.

Laban kay Ambrosio, Eala ay umangat mula sa 5-3 deficit bago naagaw ang first set.

Nawala ang kanyang bearings sa second frame, nakagawa lang ng isang served sa anim na games.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">