Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SIMULA February 14, siguradong mas sasaya ang weekend bonding kasama ang buong pamilya dahil sa all-original game show na ‘Game of the Gens’ sa GMA News TV.
Hosted by Sef Cadayona and Andre Paras, tampok sa programa ang pagalingan sa pagsagot ng players from different generations.
Triple rin ang entertainment at wow factor sa Game of the Gens dahil makakasama nina Sef at Andre ang former Britain’s Got Talent contestants na Miss Tres na binubuo nina Mariko, Crissy, at Mavey.
Kaya huwag nang magpahuli ngayong Valentine’s Day at tumutok na sa pilot episode ng exciting comedy-game show na Game of the Gens ngayong February 14 sa GMA News TV!
***
SIMULA Lunes (Pebrero 8), tunghayan ang isang medical drama na puno ng aral tungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan, at laban para sa propesyon at prinsipyo sa multi-awarded Korean series na ‘The Romantic Doctor 2’ sa GMA Network.
Tampok sa serye ang panibagong journey ng mahusay na surgeon na si Dr. Daniel Boo (Han Suk-kyu) o mas kilala sa tawag na Master Kim. Dahil nangangailangan ang pinagtatrabahuhan niyang ospital na Doldam Hospital ng general surgeon, nagtungo siya sa Geosan University Hospital sa Seoul para mag-recruit.
Doon ay nakilala niya at nakitaan ng potensyal ang general surgeon na si Dr. Wesley Seo (Ahn Hyo-seop) at ang cardiac surgeon na si Dr. Emily Cha (Lee Sung-kyung). Hindi maganda ang nakaraan ni Wesley, dahilan para hindi siya pakitunguhan nang maayos ng mga katrabaho niyang doctor.
Si Emily naman ay nasuspinde sa trabaho dahil sa mga kamalian at pagkukulang niya habang nasa gitna ng operasyon. Sa kabila ng mga ito, napili ni Master Kim ang dalawa para lumipat sa Doldam Hospital sa Gangwon Province.
Mapapatakbo kaya ni Master Kim ang Doldam Hospital katulong sina Wesley at Emily?
Huwag palampasin ang kaabang-abang na pagdating ng ‘The Romantic Doctor 2’ ngayong Pebrero 8, pagkatapos ng My Korean Jagiya, sa GMA Telebabad.
***
ABANGAN ang award-winning actor at bagong Kapuso na si Royce Cabrera ngayong Sabado sa Magpakailanman [#MPK]. Ito ang unang pagkakataong bibida si Royce sa Magpakailanman.
Panoorin siya sa panibagong episode na pinamagatang “Masahista For Hire” na may hashtag na #MPKMasahista.
Nakilala si Royce sa kanyang matatapang na pagganap sa indie films, pero ngayong Sabado, Pebrero 6, kanyang gagampanan ang mapangahas na karakter ni Makoy sa telebisyon.
Wala nang maihihiling pa si Makoy dahil mayroon silang masaganang buhay at masaya at buong pamilya. Pero ang lahat ng ito ay unti-unting guguho nang malulong sa bisyo ang kanyang mga magulang, makulong ang kanyang ina at malagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang ama.
Sa murang edad ay kinailangan niyang pasanin ang kanyang mga magulang at kapatid, hanggang sa mapilitan siyang pasukin ang mundo ng pagiging sex worker.
Pero hanggang kailan niya kakayaning maging parausan ang kanyang katawan? Ano ang mga kapahamakang naghihintay sa kanya sa pinili niyang landas? Mabubuo pa kaya niya ang kanyang pamilya kahit na siya ay wasak na wasak na?
Tunghayan ang natatanging pagganap ni Royce sa “MASAHISTA FOR HIRE” episode ng Magpakailanman, kasama sina Neil Ryan Sese, Khim De Leon, Rob Sy, at Alma Concepcion.
Ito ay mula sa mahusay na direksyon ni Mark Dela Cruz, pananaliksik ni Karen Lustica, at panulat ni Benson Logronio.