Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NGAYONG Pebrero ay birth month ni Lovi Poe, sa Pebrero 11 to be exact, at isa sa magandang regalong natanggap niya ay ang pagsisimulang i-ere ang bagong teleserye na nagawa niya kasama sina Benjamin Alvis, AiAi delas Alas, Kiray Celis, Boboy Villar, Winwyn Marquez, Nova Villa at marami pang iba, ang “Owe My Love”. Labis ang kasiyahan ni Lovi na pinagbigyan siya ng Kapuso Network na isang romantic comedy na muna ang gawin niyang teleserye at hindi na heavy drama tulad ng mga nagawa niya nitong mga nakaraang teleseryeng naipalabas ng GMA7.
Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng marami na in-relationship ngayon si Lovi, at isa na namang itong Long Distance Relationship o LDR. Ang mapalad na foreigner na nagmamay-ari ng puso ngayon ni Lovi ay si Montgomery Blencowe, isang businessman na US-based. Ngayon kaarawan ni Lovi, naisin man niyang makapiling ang boypren ay malabo mangyari dahil na rin sa mahigpitang travel ban na umiiral sa iba’t ibang bansa kasama na ang USA na may maraming bilang ng infected ng COVID 19.
Sanay man si Lovi sa LDR ay aminado ang sexy actress na doble-dusa ang kanyang sinasapit ngayon. Bukod kasi sa pisikal ay pahirapan pang kumuha ng visa para makabiyahe.
Tulad na lang ng nangyari sa kanya noong nagpunta siya sa States nitong nakaraang Kapaskuhan para makapiling ang boypren, marami pa siyang pinagdaanang proseso ng pagka-quarantine bago tuluyang makapasok sa US.
***
IBA ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado pagdating sa activities na gagawin kung wala rin lang din naman commitments sa showbiz.
Sport-minded talaga si Jen. Pag wala kasing masyadong schedule sa showbiz ay inilalaan ni Jenny ang kanyang free time sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa sports, andyan na yung mountain climbing activities, ang pagsasanay niya ng Triathlon, isang uri ng sport na magkakasunod na ginagawa ang swimming, cycling at long distance running.
Dahil may pandemya, at may social distancing ang naisip gawin ni Jennylyn ngayong free time niya ay mag-scuba diving. Sa Batangas napili ni Jennylyn na mag-scuba diving at kitang-kita sa kanyang mga Instagram post na aliw si Jen sa mga isdang makukulay at gayundin nakatsamba siyang makakita ng isang pawikan na kasabayan niyang lumalangoy at tila game na game magpa-selfie.