Advertisers

Advertisers

GEN. MARANTAN, GAGAWA NG KABAYANIHAN!

0 505

Advertisers

HINDI na mabilang ang mga kasanayan at kahusayan sa paglilingkod ni BGen. Hansel Marantan.

Kabilang sa kanyang napakaraming accomplishment at mga natatanging serbisyo ay ang partisipasyon nito sa pagkadakip kay Pastor Apollo Quiboloy at ang pagpapatupad ng search warrant sa pinagtataguan ng dating fugitive-politician Arnolfo Teves.

PNP Region 4A Dir. BGen. Hansel Marantan at Ibaan Police Chief Major John Leo Cuasay

Ngunit higit na kabayanihan ang magagawa ni Marantan kung malalansag nito ang operasyon ng mga “kapustahan” o police tong collector sa kanyang hurisdiksyon na dahilan ng di masugpong kriminalidad lalo na ang operasyon ng “pasingaw” ng Liquified Petroleum Gas (LPG) o illegal refilling ng LPG sa bayan ni Ibaan Mayor Janes Casas.

Isang alyas Bunny aka Sgt. Mercado ang lantarang nag-ooperate malapit sa Ibaan Exit di lamang ng “pasingaw”, kundi pagpapanakaw ng petroleum product na lalong kilala sa tawag na “paihi/buriki.”

Isang lady Chinese military spy ang iniuulat na kapitalista ni alyas Bunny at ng 10 kataong magnanakaw ng LPG at petrolyo, ngunit kataka-takang walang aksyon laban sa mga ito sina Batangas PNP Provincial Director Col. OLiver Ebora at Ibaan Police Chief Major John Leo Cuasay?

Bago magdeliver ang mga tanker at capsule truck driver sa kanilang orihinal na destinasyon ay dumadaan muna sa kuta ng “pasingaw/buriki” sa Ibaan at kinakargahan ang mga empty tank ng LPG.

Ang mga gasolina, krudo at gas ay ibinebenta din ng mga magnanakaw na driver kina alyas Bunny aka Sgt. Mercado sa “halagang nakaw” o napakababang presyo bago dumiretso sa kanilang original destination.

Pansamantalang nahinto ang operasyon ng “pasingaw/ buriki” sa Ibaan nang iutos nina DILG Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ilunsad ang nationwide crack down sa pasingaw/buriki.

Ngunit sa udyok ng isang alyas Sgt. Adlawan at Magsino ay muling itinuloy nina alyas Bunny/Sgt. Mercado ang operasyon ng “Pasingaw/Buriki sa Ibaan, kapalit ng daan-daang libo na weekly intelhencia.

Hindi nga kaya alam ng kanilang mga amo sa mga tanggapan sa Camp Crame, PNP Region 4A, Batangas PNP Provincial, Ibaan Police Office, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BID) na ipinangongolekta nina alyas Sgt. Adlawan at Magsino ng intelhencia upang manahimik ang mga ito sa operasyon ng pinoproteksyunang Chinese spy at alyas Bunny/Sgt. Mercado?

Nakapuslit papasok sa Palawan noong 2020 sa panahon ng Administrasyong Duterte ang grupo ng Chinese military spy at nagbalatkayong mga katutubong Pilipino. Nakapag-aral ang mga ito ng lenggwaheng Filipino at nakapagpa rehistro ng pekeng pangalan sa Local Civil Registry Office.

Ang babaeng Chinese spy naman ay nakapasok sa sirkulo ng pulitika at construction business sa Batangas at nagwagi sa halalan noong 2022, gamit ang milyones na pondo mula sa People’s Liberation Army (PLA) of China. Nakilala nito at ginawang dummy sa illegal activity si alyas Bunny/Sgt. Mercado sa Ibaan, Batangas.

Masusubukan ang pagiging batikang imbestigador at intel officer ni Gen. Marantan, higit sa lahat ay makagagawa ito ng bukod tanging kabayanihan sa sandaling malansag nito ang grupo ng Chinese spy, alyas Bunny/Sgt. Mercado at ang mga protektor nitong kolektong na sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144