Advertisers
NAGPOSITIBO sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Sa isang post online, sinabi ni Mayor Rubiano na lumabas na positibo siya sa isinagawang RT-PCR test.
Dahil dito, agad na nag-isolate ang alkalde at inabisuhan din ang mga nakasalamuha nito na i-monitor ang kanilang kalagayan.
Bagamat nag-positibo ang alkalde sa COVID-19, tiniyak nito na patuloy ang kanyang pagseserbisyo sa bawat residente ng Lungsod.(Gaynor Bonilla)