Advertisers
ARESTADO ang isang Chinese national sa pagdukot sa dalawa nitong kapwa Tsinoy noong 2018 sa Pasay City.
Sa bisa ng arrest warrant, nahuli ang suspek na si Ju Wenping, miyembro ng Chinese kidnapping syndicate, sa Leverizan Street, Pasay.
Ayon sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, humingi ng halos P15 milyong ransom mula sa pamilya ng mga biktima sa China ang mga suspek noong 2018 na ipinadala sa pamamagitan ng apat na money transfer.
Pinasakay ng flight papuntang China ang mga biktima ngunit gumawa ng komosyon sa Ninoy Aquino International Airport kaya nakuha ang atensyon ng mga awtoridad. Nakatakas naman ang 2 suspek. (Gaynor Bonilla)