Advertisers

Advertisers

City Council ng Maynila, may pangil na

0 5

Advertisers

Nagkaroon na ng pangil ang Konseho ng Maynila sa ilalim ng liderato ni Manila Vice Mayor Chi Atienza hindi lamang sa pagpasa ng mga ordinansa kundi maging sa pagdidisiplina sa mga opisyales ng lungsod.

Ito ayon kay Vice Mayor Chi ay dahil ginagamit na ng 13th City Council ang quasi judicial function nito.

Paliwanag ng bise alkalde sa pakikipag-usap sa Manila City Hall Press Club (MCHPC) ito aniya yung pagiging hukom pagdating sa mga administrative cases ng mga opisyales ng lungsod.

Katunayan aniya ay may ilang opisyales na ng lungsod ang kanilang nasampolan sa pamamagitan ng suspension dahil sa ibat ibang klaseng paglabag o pang aabuso.

Kabilang na rito ang apat na Barangay Chairmen na pinatawan nila ng suspensiyon na tumanggap din naman ng paliwanag sa dahilan ng kanyang suspensiyon.

Giit ni Atienza na ito ang unang pagkakataon na ginamit ng konseho ng maynila ang quasi judicial function nito laban sa mga mapang-abuso at mapang-aping opisyales ng lungsod. (Jocelyn Domenden)