Advertisers

Advertisers

Liza at Enrique, hiwalay na?; Kris at Jessy nabuking, kapwa type maging dyowa si Alden

0 266

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA challenge na Trotropahin or Jojowain nina Kris Aquino at Jessy Mendiola sa kanilang socmed, pareho sila ng type na maging dyowa at maging asawa, si Alden Richards.

Eh paano ba namang hindi pipiliin si Alden na maging dyowa kaysa tropa ng dalawang aktres, sa guwapo at dimples pa nga lang nito ay walang  babae ang ‘di mabibighani sa Kapuso actor.



Bukod sa pagiging mabait at mapagmahal na anak ay financially secured na ang binatang aktor.

Mukha nga raw magiging responsible at good provider na tatay si Alden ayon pa sa netizens kaya suwerte ang magiging dyowa nito.

Kina Kris at Jessy, sino kaya ang type ni Alden na dyowain at tropahin, di ba?

Sa palagay nyo sino ang may ‘K’ kina Kris at Jessy na maging gf ni Alden.

He! He! He! Kung si Kris eh baka mapagkamalang tiyahin niya o ate at kung si Jessy naman daw ay hindi bagay sa Pambansang Bae.



***

GAGAYAHIN daw nina Liza Soberano at Enrique Gil sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pansamantala raw na paghihiwalayin ang loveteam. Para raw KathNiel na ipinareha sa iba.

Para umano hindi nakakaumay ang putaheng nakahain, kailangan ay mag-experiment.

Yes, may bulung-bulungan na tila nagdesisyon na ang manager ni Liza na split muna sila ni Enrique ng proyekto.

May sitsit na ipapareha si Liza sa isang Thai actor. Pero for the meantime split muna ang peg ng LizQuen.

Okey lang naman sa loveteam na paghiwalayin muna sila sa mga project para maipareha sa iba.

Well, well, well…’Yun na!