Advertisers

Advertisers

Speaker Dy inilunsad ‘LegisHear’ para direktang marinig pangangailangan ng mamamayan

0 7

Advertisers

Pormal nang inilunsad ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang LegisHear program para personal na konsultahin ang mga mamamayan sa kanilang komunidad mismo para alamin nang direkta sa mga ito ang mga kailangang batas partikular na ang mga nasa sektor ng agrikultura.
Nitong Biyernes ay personal na pinangunahan ni Dy ang paglulunsad sa LegisHear sa Isabela State University sa Echague, Isabela at inaasahan na gagawin ito sa iba’t ibang lugar sa bansa sa mga darating na mga araw.
“Kaya naman po ginagawa namin ito. Katulad ng aming pangunahing sinasabi na napakahalaga na mayroon pong ganitong talakayan at may ganitong ugnayan, nang sa ganoon baka mayroon pa po kaming nakakaligtaang gawin sa ating mga proposed measures o mga panukalang batas para lalo pang tumugon sa atin pong mga pangangailangan, lalo na po dito sa ating lalawigan ng Isabela,” ani Dy.
Karaniwang ginagawa ang konsultasyon sa loob ng Kongreso kung saan ipinapatawag ng mga congressman ang kinatawan ng mga sektor at mga ahensya ng gobyerno para sa panukala na nais gawin mga ito.
Subalit sa ilalim ng LegisHear, ang mga kongresista na ang mismong pupunta sa mga komunidad para personal na marinig, hindi lamang sa kanilang lider kundi maging sa mga ordinaryong miyembro ang mga batas na kailangan ng mga ito.
Unang kinonsulta sa paglulunsad ng LegisHear ang mga magsasaka sa probinsya ni Dy na kilalang sa larangan ng agrikultura.
“Kilala po tayo sa larangan ng agrikultura. Dapat mapalakas po natin ang ating agrikultura, mapalakas po natin ang ating farmers,” ani Dy.
Ang atin pong pinapangarap ay magandang presyo, maganda ang kita, at magandang suporta ng ating pamahalaan para lalo pang umunlad ang agrikultura, hindi lamang ng ating lalawigan ng Isabela, kundi ng buong bansang Pilipinas,” dagdag pa nito.(Henry Padilla)