Advertisers
Maayos na serbisyong pangkalusugan ang isa sa pinakamahalagang sukatan ng mahusay na pamahalaan.
Kaya naman, isang magandang balita ang pagdami ng mga doktor sa Ricardo L. Maningo Memorial Hospital sa bayan ng San Francisco sa Camotes Islands.
Sinasabing 20 manggagamot na ngayon ang nagsisilbi sa ospital, kabilang ang mga espesyalista.
Malaking ginhawa ito sa mga residente na dati’y kinakailangang bumiyahe pa patungong mainland Cebu para magpagamot.
Sa ilalim ng pamumuno ni Cebu Gov. Pamela Baricuatro, unti-unting natutugunan ang kakulangan sa mga doktor at iba pang serbisyong medikal.
Ipinakikita nito ang kanyang pagtupad sa pangakong palakasin ang sistemang pangkalusugan sa lalawigan.
Mahalaga rin ang pagtutok sa mga komunidad na nasa malalayong isla at hindi madaling maabot.
Kaagapay ng lokal na pamahalaan ang pambansang administrasyon sa pagsusulong ng mas mahusay na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy ang pagsisikap na mapalapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.
Ang pagpapalakas ng mga pampublikong ospital ay isang hakbang tungo sa mas inklusibong healthcare system.
Kapag may sapat na doktor at pasilidad, mas maraming buhay ang maililigtas at mas maraming pamilya ang mabibigyan ng pag-asa.
Ang mga ganitong proyekto ay nagpapakita na ang serbisyo publiko ay hindi lamang para sa mga nasa sentro ng siyudad.
Nararapat lamang na ipagpatuloy ang pagpapabuti sa mga ospital at iba pang pasilidad pangkalusugan sa buong bansa.
Kapag nagtutulungan ang pambansa at lokal na pamahalaan, mas mabilis na nararamdaman ng mamamayan ang tunay na pagbabago.
Ang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa Camotes ay patunay na sa ilalim nina Pangulong Marcos Jr. at Gov. Baricuatro, nananatiling pangunahing prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.
***
Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.