Advertisers

Advertisers

2 OPISYAL NG CIW ‘SINIBAK’ NG BUCOR DAHIL SA UMANO’Y ANOMALYA SA PONDO NG PDL

0 3

Advertisers

Iniutos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagtanggal sa dalawang opisyal ng Corrections Institution for Women sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y mga anomalya na kinasasangkutan ng mga trust fund ng persons deprived of liberty o mga taong pinagkaitan ng kalayaan.

Tinanggal sa pwesto sina CIW Superintendent C/SSUPT Daisy Sevilla-Castillote at Deputy Superintendent for Administration C/SSUPT Marites Lebardo habang iniimbestigahan at inutusang mag-ulat sa Office of the Deputy Director General for Administration sa Muntinlupa City.

Samantala, si Corrections Officer 2 Bianca Ramos, ang PDL Trust Fund Officer, ay absent without official leave simula noong Hulyo 29. Humingi ng tulong ang BuCor sa pulisya ng Muntinlupa upang mahanap siya.

Sinabi ni Catapang na maaaring may nawawalang pondo na umaabot sa humigit-kumulang P6 milyon at kung totoo na may nawawalang pondo ay hindi ito nangyari sa magdamag. Kailangan alamin ang sanhi nito at panagutin ang mga iyon sa kanilang tamang lugar.

Inutusan ang Internal Audit Service Unit ng BuCor at ang Directorate for Intelligence and Investigation na magsagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon upang matukoy kung ano ang nangyari at kung sino ang maaaring managot.

“Masakit sa kalooban ko na pilit nating inaayos ang Bureau of Corrections tapos yung mismong tao natin ang maiinvolved sa katiwalian, kaya gusto kong maimbestigahang mabuti ito para malaman kung sino-sino ang dapat managot.” Dagdag ni Catapang

Si CT/SINSP Lariza Martin ay itinalaga bilang acting CIW superintendent. (JOJO SADIWA)