Advertisers

Advertisers

‘Di na exclusive sa Dos… Bea pwede na lumabas sa ibang network; Sophie buntis kaya nakipag-live in na kay Vin?

0 212

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

IBINULGAR nina Vin Abrenica at Sophie Albert na nagsasama na sila ngayong tapos na ang kanilang ipinagawang bahay.

“Another  milestone for us. WE ARE  MOVING  IN!!!  One of the reasons why we`ve  been  so MIA  is cause  it has been quite  a stressful  process trying  to get  our  home ready and finished. It`s moving  a lot slower than we expected, but  we`re  hopeful that  our  home is coming  together slowly, but surely!! Konti na lang!  Kapit lang!!” post ni Sophie.



Sabi naman ni Vin, “If  you saw @itssophiealbert`s post, yes we are moving  in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na so eto na lang, to vlog  or  not to vlog? Sobrang dami naming natutunan sa process  na ito. Malapit  na malapit  na matapos ang aming bahay!!”

Hindi na sinagot ni Vin ang tanong ng isang netizen na ngayong may bahay na sila, isusunod na raw ba nila ang kasal? May nag-comment naman kung nag-propose na raw ba si Vin kay Sophie?

Anyway, whatever comment pa ang makarating sa dalawa ay super happy sila right now at walang naligaw na judgemental na inuna pa nila ang live-in kaysa kasal. Basta importante ay may sarili na silang bahay at ikasal man at magkaanak ay secure na sila.

Pero how true na malakas ang isyung buntis na raw si Sophie?

***



KANYA-kanya hula ang viewers  kung sina Bea Alonzo at Alden Richards ba o sina Heart Evangelista at Maja Salvador ang tinutukoy sa teaser  na “3 days to go! Two of the country`s  biggest  stars together for one memorable project.”

Ngayong Monday, Feb.15 mangyayari kung sino nga ba ito.

May nagsasabi na sina Heart at Maja ang tinutukoy  dahil sa napabalitang  magiging Kapuso na ang huli at makakasama ng una sa I Left My Heart  in Sorsogon.

Pero walang nangyaring contract signing sa GMA Network si Maja at ang balita nga ay sa TV 5 pa rin ito gagawa ng project kasama si Empoy.

Mas marami ang naniniwalang  ito yung formal announcement ng pagsasamahang movie nina Bea at Alden. Kinumpirma na kasi ni Bea at sinabi na rin ni Alden na magtatambal sila sa A Moment to Remember, kaya lang wala pa rin pahayag ang producer na Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures.

Masuwerte sina Alden at Bea dahil pinayagan nang magbukas uli ang mga sinehan, nangangahulugan na  hindi na lang by streaming mapapanood ang kanilang movie puwede na sa sinehan kahit limited  ang audience ay maganda pa rin manood sa big screen.

Samantala, nasabi ni Bea sa isang interview na ngayong isa na siyang feelancer ay puwede na siyang lumabas sa kahit anong TV network at makakaasa ang fans na magkasama sila ni Alden na magpo-promote ng movie sa mga show ng GMA-7.