Advertisers

Advertisers

GEN. DELA CRUZ AT COL REVITA HINAMON NG MGA TAGA ORIENTAL MINDORO VS ILEGAL NA SUGAL

0 7

Advertisers

MATAPOS kong tuligsain nitong Martes Agosto 25, ang ilegal na sugal na diumanoy pinoprotektahan ng ilang mataas na opisyal ng kapulisan at maimpluwensiyang pulitiko sa aking programa sa radyo DWBL 1242 kHz AM band nationwide Mega Manila, sunod-sunod na tayong nakakatanggap ng text messages mula sa ating mga kababayan sa Oriental Mindoro.

Tunghayan natin ang kanilang mensahe:

“Sir Bula ayos ang batikos nyo sa aming meyor sadya nmang may lagay sa kanya ang sugal”. – +6393681822++

” Gd am Sir nakikinig kmi sa radyo ang peryahan dto sa Naujan pinababantayan ng police mobile”. – +6399844592++

“Sir paano ga matigil ang sugal sa mindoro kong ari nman ay naka timbre na kay hepe at mayor. Pati ngani sa kampo at kapitolyo may payola”. – +6393999037++

” Idol sa totoong buhay hindi maglakas loob na maglagay ng negosyong sugal sa perya ang mga bigtime na gambling ng walang basbas sa itaas pati ngani sa CIDG at NBI” may lagay para walang huli. hehe.- +639362202259

“Sir Ronald ang galing nyo pala mag broadcast nakikinig kmi. Kayo lang wari ang nadidinig kong media na malakas ang loob na bumatikos kumpara sa mga media dini mga tikom ang bibig. Mabuhay ka God bless and more power to your program idol.” – +6399870042++

“Sir alang magnanakaw na aamin. Kapag inyong itang kay hepe, mayor at governor kong may payola sila sa sugal walang aamin kahit yong mga mataas na opisyal sa kampo dahil walang magnanakaw na umaamin. Tuloy mo lang ang pagbatikos sa mga buwaya sa Mindoro. Dapat dyan kasuhan sa Ombudsman at DILG. Ingat palagi Sir God bless u.” – +6395561042++

Ilan lamang ang text messages na yan na natanggap natin mula sa aking mga avid listener kong saan wala silang pangingimi sa kanilang mga alegasyon at akusasyon.

Ang patuloy na pagsasawalangkibo ng ilang mayor, chief of police, provincial at regional director laban sa pamamayagpag ng ilegal na sugal ay ang posibleng koneksyon ng mga ito sa sindikato.

Sa kanilang text, nanawagan din sila kay Ombudsman Boying Remulla at DILG Sec. Jonvic Remulla, na sampahan ng kasong administratibo ang mga nabanggit na government officials dahil sa posibleng pangungunsinti ng mga ito na mag-operate ng sandamakmak na sugal sa kanilang nasasakupan.

Nakakatuwa dahil hindi lang pala ang inyong lingkod ang nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan sapagkat maging ang mga payak na mamamayan sa Oriental Mindoro ay tumutuligsa din sa hindi pag-aksyon ng kanilang mayor at hepe maging ng PNP Provincial Director na pinamumunuan ni PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz.

Ipinagtataka rin natin imbes na ilayo nina Col Revita at Gen. Dela Cruz ang mamamayang mindoreño sa bisyong sugal ay tila itinutulak pa nang mga nabanggit na opisyal para malulon sa bisyong sugal ang perang pinaghihirapan ng mamamayan.

Kung ating pagbabasihan ang hinaing ng mga taga Mindoro malinaw pa sa sikat ng araw na may pagpapabaya ang mga nabanggit na opisyal sa kanilang tungkulin dahil sa hindi pag-aksyon ng mga ito na sugpuin ang salot na sugal tulad ng ‘color games at drop ball baraha” na ang front ay tradisyunal na Peryahan na pulos sugalan.

Naniniwala ako na hindi matutuldukan at maaksyonan nina Col Revita at Gen. Dela Cruz ang pamamayagpag ng mga perwisyong sugal dahil sa proteksyon ng ilang maimpluwensiyang pulitiko na malakas sa Palasyo ng Malakanyang.

Kapag mahigpit naman na paninindigan ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr. ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na ‘internal cleansing’ sa loob ng naturang organisasyon.

Kabilang sa posibleng “sumabit” ay ang mga chief of police at Provincial Director hanggang PNP Regional Director na patuloy na nagbingi-bingihan sa reklamo ng mga taga Oriental Mindoro sa hindi nila pag-aksyon laban sa ilegal na sugal tulad ng “drop ball baraha” (Pingpong), at “color games” na ginagamit na front ay tradisyunal na Peryahan.

Kahit saang sulok ng nasabing lalawigan lantad ang presensya ng sugal sa mga bayan ng Naujan, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Bongabong, Mansalay, Bulalacao, Roxas, Pola, San Teodoro, Puerto Galera, Baco at Calapan City, Oriental Mindoro na ginagawang gatasan ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan ang mga bigtime na operator / financier ng salot na sugal.

Bukod sa mga Pergalan (Perya-Sugalan) lantad din ang pangungubra ng taya ng mga kubrador ng jueteng sa nasabing probinsya.

Hindi ba’t kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibilidad at pananagutan ng mga chief of police, provincial at regional director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” batay sa doktrina ng command responsibilidad.

May kasunod pa, kaya wag bibitiw dahil ibubunyag natin ang milyong pisong “payola” at “goodwill” mula sa ilegal na sugal ang kinokolekta nina Sgt. Manalo, Sgt. Raymond, Sgt. Leynes at Sgt Nonoy gamit ang tanggapan ng R2, SOG, S2 at CIDG RFU.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com