Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMING rebelasyong pinakawalan si Heart Evangelista sa kanyang latest vlog na nag-react siya sa mga tsismis sa kanya noon.
Isa sa mga lumutang na tsika ay ang pagiging impostora raw nito o pagkakaroon ng ghost painter para sa kanyang artworks at designer bags.
Aniya, siya raw mismo ang gumagawa ng pagpipinta sa mga ito dahil paboritong hobby niya ang painting.
Sey pa niya, totoo raw siya sa sarili at kung may bagay siyang kinaiinisan, ito ay ang pagsisinungaling.
Katunayan, may pagkakataon nga raw na tinanggihan niya ang 8 million-peso endorsement deal dahil ayaw niyang manloko ng kanyang kapwa tao.
“There was this car that was asking me to endorse them and, I don’t drive. So how can I fake that? And I had to decline it. And I think it was pretty big. It was about 8M,”pagbabalik-tanaw niya.
Goal ni Heart na magkaroon sila ng baby ng mister na si Chiz Escudero pagkatapos ng pandemya.