Advertisers
Ni JULIET PACOT
TIYAK masaya na naman ang mga kaibigan ni Anne Curtis dahil balik-bansa na ito kasama ang kanyang mag-ama matapos ang isang taong paninirahan sa Australia.
Sa kasalukuyan, naka-hotel quarantine ang mag-asawang Anne at Erwan Heussaff kasama ang nag-iisang anak nilang si Dahlia.
Tuwang-tuwa si Erwan habang ipinakikita sa Instagram noong Miyerkules, February 10 ang buong compilation ng random video clips ng byahe nila pabalik ng Pilipinas.
Anim na araw nang naka-quarantine sina Anne sa kanilang tinutuluyang hotel dito sa bansa.
Kasama rito ang kanilang flight, ang traffic na sinuong papunta sa hotel, at ang mga pinagkaabalahan nila sa hotel habang naka-quarantine.
Nakita rin sa video ang pagsasailalim ni Anne sa swab test.
Binibilang na lang ni Erwan ang nalalabing araw para matapos ang kanilang 14-day isolation.
Sabi niya sa caption, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done [check emoji] 8 days of Home Isolation to go.”
Sa Instagram Story ay ipinost din ni Erwan ang parehong video.
Tanging caption niya: “Home after 1 year!”