Advertisers

Advertisers

Cayetano suportado ang mga imbestigasyon sa Taguig — pero dapat patas ang proseso

0 30

Advertisers

Suportado ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga imbestigasyon ng mga constitutional body sa mga alegasyon ng mga “ghost” at iregular na proyekto sa kanyang home city na Taguig.

Pero giit niya, dapat naaayon ito sa batas.

“We submit completely to all those Constitutional principles, departments, bodies – whether it’s the Ombudsman, DOJ (Department of Justice), NBI (National Bureau of Investigation), at kung ano man na investigative body. Dapat masunod iyan… Imbestigahan niyo kasi karapatan niyo iyan. That’s why I say I respect all the ongoing investigation,” wika ng senador sa isang livestream nitong October 2.



“We believe in the law. Abogado ako. I took an oath to uphold the Constitution and to follow the law. But the investigation has to be fair,” dagdag niya.

Kinikilala ni Cayetano ang awtoridad ng mga ahensiyang inatasang mag-imbestiga ng mga maling gawain pero tinutulan niya ang paraan ng sariling imbestigasyon ni Senator Panfilo Lacson tungkol sa mga proyekto sa Taguig.



Matagal nang may hindi pagkakaunawaan sina Cayetano at Lacson tungkol sa mga umano’y ghost project at ilegal na reclamation project sa Taguig.

Pero nagsimula lang ang imbestigasyon ni Lacson sa Taguig matapos kuwestiyunin ni Cayetano ang biglaang pagtaas ng yaman ni Lacson na nakalagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Ayon kay Cayetano, hindi pa ito naipapaliwanag ni Lacson.



Ani Cayetano, pinipilit ng team ni Lacson ang ilang contractor na pumirma sa mga affidavit na inihanda na. Para kay Cayetano, ito ay coercion at hindi tamang paraan sa paghahanap ng katotohanan.

“Kapag sinubo mo ang isang affidavit sa isang tao, (at sinabing) ‘pirmahan mo iyan, kung hindi, kakasuhan kita,’ that’s asking him to give false testimony,” sabi ng senador.

“My point is, in everything we do, the process is important. Hindi pwedeng ‘the end justifies the means,’” sabi pa niya.

Nanawagan si Cayetano na maging patas at nakabatay sa katotohanan ang imbestigasyon sa Taguig at sa iba pang flood control projects. Nagbabala rin siya laban sa overrreach sa kapangyarihan ng mga awtoridad.

“It has to be done with the right methodology. It has to be done na factual,” aniya.

Sinabi niya na ipinagbabawal ang paraan ng ginagawa ni Lacson ngunit nagpapatuloy pa rin ito dahil ramdam niya na siya ay “above the law at this point in time.” Pero sabi ni Cayetano, “wala namang forever diyan.”

Nanawagan din si Cayetano sa mga Pilipino na magsalita laban sa mga imbestigasyong piling kaso lamang ang tinututukan, dahil makadadagdag lang ang mga ito sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

“Let me talk to all Filipinos regardless of our religion. Iisa bansa natin… Ang dami-dami na nating problema, bakit pa natin pinapadami at pinalalaki pa ang sarili natin mga problema?” sabi ng senador.

“Siguro dapat bilang mga Pilipino, matuto din tayo magsabi when enough is enough,” dagdag niya.