Advertisers
Ni Camille Guarin
Isang magandang tanong ang nasagot sa programang The People Have Spoken nang mag-guest sina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann.
Sa panayam, tinanong sina Glaiza at Gabby kung paano nila sinusukat ang tagumpay ng isang tao.
Tanong ni Heart Evangelista, “Paano mo susukatin ang success o tagumpay ng isang tao? A. Sa dami ng pera at kayamanan. B. Sa nararamdamang happiness. C. Sa dami ng nagmamahal.”
Ang pinili nina Glaiza at Gabby ay A, sa dami ng pera at kayamanan.
“Sa panahon kasi ngayon, kailangan ng pera eh. ’Pag wala kang pera, malungkot ka. Automatic ’yun. ’Pag may pera ka, masaya ka. Pero kung tagumpay o success, actually, sa totoo lang, ’yang tatlong ’yan dapat magkakaakibat ’yan eh,” paliwanag ni Gabby.
Samantala, tinanong naman ng co-host ni Heart sa The People Have Spoken na si Sean Lucas kung paano niya sinusukat ang kanyang success.
“Heart, ikaw, how would you measure your success?” tanong ni Sean.
“Syempre, ang nakakatuwa tingnan, kung iisipin, sa dami ng pera at kayamanan.
“But pag marami ang pera mo at marami kang kayamanan, sad to say, the reality is not all the time you are happy at not all the time maraming magmamahal sa’yo… May saying pero alam ko hindi ito ’yung exact words. ‘Those who desire more are poor, he who desires less is rich.’
“So para sa ’kin, doon ako sa maraming nagmamahal. Kasi siguro pag dumating ’yung panahon na ga-graduate ka na nga, ang importante sa akin, maraming mga nakahawak sa akin and I shall pass happy,” pahayag ni Heart.
Well, may punto naman silang tatlo. Pera at pagmamahal, parehong importante.
***
“Sigabo,” “Someone, Someday,” at “Honor Thy Mother,” umaarangkada
ABS-CBN shows, nangunguna sa tatlong streaming platforms
Back-to-back-to-back ang panalo sa puso ng mga Pilipino dahil tatlo sa mga programa ng ABS-CBN, ang “Coco Martin’s Sigabo,” “Someone, Someday,” at “Honor Thy Mother,” ay nangunguna sa listahan ng top TV shows sa Pilipinas sa iba’t ibang streaming platforms na iWant, Netflix, at Prime Video.
Pinangunahan ng “Coco Martin’s Sigabo” ang listahan ng top TV shows sa iWant matapos ang walang humpay na kilig at good vibes na hatid nina Coco Martin at Julia Montes bilang pekeng mag-asawang sina Gabo at Sam na unti-unti nang nagiging totoo ang feelings para sa isa’t isa.
Patok naman ang “Someone, Someday,” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid kasama si Maja Salvador, bilang numero unong TV show sa Netflix Philippines matapos ang matinding acting showdown ni Kathryn laban kay Maja—na umani ng papuri mula sa mga manonood—nang sugurin ni Billy (Kathryn) si Bea (Maja) para maningil ng hustisya kasunod ng pag-atake ni Bea sa pamilya ni Billy na muntik nitong ikamatay.
Nananatili namang top TV show sa Prime Video Philippines ang family drama na “Honor Thy Mother” na mula sa kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN, kasunod ng makabag-damdaming aktingan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza bilang mag-inang nasa proseso ng pakikipag-ayos matapos ang matinding sigalot sa pagitan nilang dalawa.
I-stream ang bagong episodes ng “Coco Martin’s Sigabo” sa iWant, “Someone, Someday” sa Netflix na may bagong episode 72 hours in advance, at ang “Honor Thy Mother” na may bagong episode kada Biyernes sa Prime Video Philippines at sa higit 240 countries and territories worldwide.