Advertisers

Advertisers

Andrew Gan, nag-enjoy katrabaho sina Rhian Ramos, EA Guzman at Meg Imperial

0 42

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ni Andrew Gan na nag-enjoy siyang katrabaho sina Rhian Ramos, EA Guzman at Meg Imperial. Nagkasama ang apat sa “Tadhana” ng GMA-7 last week at ito ang nabanggit niya sa amin.

Wika ni Andrew, “Oo naman tito, nag-enjoy akong katrabaho sila. Kasi unang-una sa lahat ay powerful cast iyong episode na ‘yun. Lahat ay mga award winning and lahat ay nagbida sa mga serye.



“Ako ‘yung nagligtas dito kay Rhian nang pinagtangkaan siyang patayin ng asawa niya (EA and Meg – kabit)… at tinulungan ko siyang ipakulong iyong mga nagkasala sa kanya.”

Dagdag pa ni Andrew, “Si Rhian ang daming beses ko nang naka-work, mapa-film and serye. Si EA (naka-work ko) sa serye namin before sa ABS CBN and si Meg naman, sa serye namin ni ate Marian (Rivera) noong 2017.”



So, since movie produ rin siya, in the future wish niya bang isali sa kanyang movie ang mga magagaling na tipo nina Rhian, EA, at Meg?

“Oo naman tito, If may chance why not? Magaan sila ka-work and mahuhusay. Specially si Rhian, na napaka-totoong taong kausap,” matipid na tugon pa ng aktor.



Nami-miss niya bang magkaroon ulit ng regular TV show, gaya ng dati? Aniya, “Nakaka-miss din magkaroon ng regular show. Hopefully before matapos ang taon.

 

“More on sa vertical series po ako lately and may film kami na niluluto. Plus, may short film kami na nakapasok sa New York festival, na ang nagdirek ay apo ni Boss Vic del Rosario ng Viva, siya si Direk Coby Rosario.”

 

Inusisa rin namin ang masipag na businessman at chef hinggil sa kanilang short film na “Meurdona” na nakapasok sa Oniros Film Awards sa New York.

“Ang tema nito, love story, thriller… leading lady ko po si Phoebe Walker dito. It’s all about relationship po, na ipinakita iyong from mahal na mahal ninyo ang isa’t isa, hangang sa nauwi sa unti-unting naglaho iyong love.

 

“Thankful ako specially kina Ms. Ninz (De Castro), Direk Roni (Benaid, na co-director dito) and Direk Coby. And happy and proud po ako sa buong team nito.”

 

Bakit ganoon ang title nito at kamustang katrabaho si Phoebe?

 

“Iyong title na Meurdona, bale name ng character ni Phoebe iyon, hehehe. Ang lakas maka-international ‘yung atake… Itong film namin ni Phoebe, pure English po. Na-challenge ako and dapat conyo, Hahaha!

 

“Si Phoebe ay maraming beses ko nang naka-work din. Sa series, sa film… mabait and totoong tao siya at higit sa lahat, mahusay na aktres,” sambit pa ni Andrew.

 

-30-