Advertisers

Advertisers

Catriona, nagpayo tungkol sa lovelife

0 29

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa kanyang podcast kasama ang kapwa beauty queen na si Nicole Cordovez, nagbigay ng payo ang 2018 Ms.Universe ng isang listener tungkol sa kinakaharap niyang sitwasyon sa isang guy.

Ayon sa letter sender, naghiwalay sila ng kanyang ex dahil magkaiba ang prayoridad nila sa buhay.



Feeling din daw niya ay walang plano sa kanya ang former boyfie.

Gayunpaman, hindi raw naman naging toxic ang kanilang breakup.



Dagdag pa niya, may parte raw sa sarili niya na nacu-curious o nagki-care pa rin siya sa ex kaya naman pina-follow pa niya ito sa social media.

Tanong ng sender, nakatutulong daw ba ito para maka-move on siya sa kanilang hiwalayan.



Payo naman ni Cat, okey lang daw na i-unfollow niya ang ex kung pakiramdam niya ay emotionally stuck siya at hirap mag-move on.

Hindi rin daw niya kailangang magpaliwanag sa ex ng kanyang desisyon to unfollow just because in good terms naman sila nang mag-break up.

Ang punto raw ay hindi para magalit o gumanti sa ex kundi para mabigyan ng espasyo ang sarili para makapag-heal.

Sey pa niya, importanteng i-prioritize din daw ng sender ang kanyang peace of mind at recovery mula sa heartbreak.

Dagdag pa niya, dapat daw ay malaman ng mga lalake na may mga pangangailangan din ang mga babae tulad ng ini-envision nilang future sa isang seryosong relasyon.

Hirit pa ng dating beauty titlist, di rin niya bet ang mga paasa at walang malinaw na plano o direksyon sa pakikipagrelasyon.

Matatandaang noong inanunsyo nina Catriona at ex na si Sam Milby ang kanilang breakup noong 2023 ay in-unfollow din na nila ang isa’t-isa.

***

PPO, itatampok ang klasikong kahusayan sa Concert II: Elegance ngayong Oktubre 16

Ipagpapatuloy ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang ika-42 concert season nitong Modulatio sa Concert II: Elegance sa Oktubre 16, 2026, alas-7:30 ng gabi, sa Metropolitan Theater sa Maynila.

Sa pangunguna ni Maestro Grzegorz Nowak, itatampok ng PPO ang mga obra nina Redentor Romero, George Frideric Handel at Zygmunt Noskowski. Tampok din ang 14-anyos na Filipinong classical pedal harpist na si Vien Ignacio.

Mga piyesang magpapaalala sa init at ganda ng sariling tahanan

Bubuksan ang konsiyerto sa nostalhik na Philippine Portraits ni Romero, isang makulay na orkestrasyon ng mga romantikong himig ng Pilipinas at pagpupugay sa bayan at diwa ng mga Pilipino.

Susundan ito ng Harp Concerto in B-flat Major, Op. 4, No. 6 (HWV 294) ni Handel, tampok si Ignacio bilang panauhing soloist. Sa kanyang maselang pagtugtog, bibigyang-buhay niya ang dalisay at nakapapawing tunog ng obra, na unang itinanghal noong Pebrero 1736 bilang bahagi ng Alexander’s Feast para sa pagdiriwang kay Saint Cecilia.

Nagsimula si Ignacio sa pedal harp sa edad na tatlo at kalahati at mula noon ay nagtanghal na sa Pilipinas at ibang bansa sa paggabay ni Olga Shevelevich. Noong 2025 Scandinavian International Instrument Music Competition, nagwagi siya sa harp division at tumanggap ng mga espesyal na diploma para sa Best Performance of a Romantic Piece at Child Prodigy.

Magtatapos ang gabi sa The Steppe, Op. 66 ni Noskowski. Isinulat noong 1896, inilarawan nito ang malalawak na kapatagan ng Poland at ang tahimik na kagandahan, pag-iisa at kalayaan ng lupain—isang maringal na pagpupugay sa pagkakakilanlan ng bansa.

Isang kanlungan ng dalisay na kagandahan ng musika

Sa Concert II: Elegance, pagsasamahin ng PPO ang iba’t ibang larawan ng kalikasan at damdamin sa isang gabing puno ng sopistikadong sining, lalim at inspirasyon.

Mabibili ang mga tiket sa TicketWorld. Maaari ring maging PPO subscriber para sa mga eksklusibong alok. Para sa detalye, mag-email sa salesandpromotions@culturalcenter.gov.ph o tumawag sa CCP Box Office sa +63 931-033-0880.

Alamin ang iba pang detalye sa www.culturalcenter.gov.ph at sundan ang opisyal na Facebook, Instagram, TikTok at YouTube accounts ng CCP at PPO.