Advertisers

Advertisers

Punong-puno ng angas, kulang sa kaalaman

0 36

Advertisers

SA simula pa lamang ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kitang-kita mo na kung sino sa mga senator-judges ang kanyang mga kakampi.

Pangalanan na natin tutal bulgar din naman sila sa pagtatanggol sa kanilang AMO.

Unahin natin si Manang Senator Imee (duterte) Marcos, Camille Villar, Bong Go, magkapatid na Allan at Pia Cayetano, Loren Legarda (may sakit-sakitan), Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta (both detained) at Ronald “Bato” Dela Rosa (hiding) at ang pinakamagaling sa kanilang lahat, si Robin Padilla.



Nang mag-take oath ang mga senador bilang mga senator-judges sa Senate impeachment court, nanumpa sila sa specific role na kanilang gagampanan sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas.

Ibig sabihin, walang kinikilingan ang kanilang magiging hatol sa inaakusahan



Isantabi ang pagkakaibigan, ka-partido, utang na loob at kung ano-ano pa na uugnay para magbigay ng patas na paghahatol.

Sa mga senator-judges, pakinggan nyo ang bigat ng mga ebidenysang iprinisinta sa korte. Pag-aralan, at magtanong para malaman ang katotohanan.



‘Wag lang magtatanong na ikaw lang ang naka-iintindi.

Konektado ba sa impeachment trial ang mga tanong “kung taga-saan ka?” “Ano ang natapos mo?” “Umakyat ka na ba ng bundok?”

Samantalang ang tinatanong mo e mas mataas pa ang pinag-aralan at degree holder kaysa sa ‘yo!

Sheeeeet ka!

Ibinoto kayo ng taumbayan kaya’t marapat lamang na kami ang iyong pagsilbihan at alalahanin. HIndi ang isang indibiduwal.

Huwag nyong wasakin ang tiwala ng publiko dahil lamang sa isang tao na sya mismo ang sumisira sa tiwala ng publiko.

Ang sabi nga ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, ang defense team dapat ang magpatawag kay VP Sara sa witness stand.

Sabi ng batikang abogado, mag-aaksaya lamang ng panahon at oras ang prosecution dahil alam na nila ang isasagot ng pangalawang pangulo.

“Hindi ko alam!”

Sa day-37 ng impeachment trial, tila natulala ang defense team nang i-atras ng prosecution ang Articles 1, 3 at 4.

Nakita ng prosecution team ang unexplained wealth sa ilalim ng Article II ang mas malakas at matibay na ebidensya at mas makapagbibigay ng malinaw na paliwanag sa senator-judges at maging sa taumbayan.

HIndi pinanghinayangan ng prosecution team ang tatlong ini-atras na artikulo.

“All-in” ang prosecution sa unexplained wealth case. Sabi nga ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, “we either we sink, or we swim.”

“Taya pati pato” naman ang sabi ni House prosecutor at Bicol-Saro party list Rep. Terry Ridon.

Kompiyansa si House prosecution spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers sa legal strategy na ginawa ng kanilang grupo dahil sa bigat at tibay ng ebidensya sa unexplained wealth case na hindi kayang baluktutin o balewalain ng defense team.

Puro general denials at technicalities. Walang iprinisintang ebidensya at testigo ang defense team sa pre-trial briefing, ang sabi ni private prosecutor at spokesperson Atty. Benjamin Tolosa.

Wala silang ibinigay na paliwanag kaugnay sa grave threats at bribery case. Tumanggi rin ang defense sa pagkakataong mag-prisinta ng kanilang ebidensya at testigo.

Ngayong ini-atras ang tatlong artikulo saka sila mag-ngangangawa! Sheeeetttttt!

Sa usapin ng public accountability, labanan ito ng patibayan ng ebidensya, dokumento at natural ang katotohanan. Hindi ka dapat aanga-anga kapag nasa court room na ang labanan.

Sa ipinakitang mga ebidensya ng presecution, nandyan ang AMLC, BIR, bank at SEC records. HIndi ito gawa-gawa o tsismis lang. ‘Ika nga, may resibo!
Sa November 9 ang balik sa Senado, ang episode 2 ng impeachment trial para simulan ang Article II, ang unexplained wealth.

Para sa prosecution team, alam kong nasa panig kayo ng mabuti upang mailabas ang katotohanan alang-alang sa mamamayang Filipino na laging umaasa na magkaroon ng magandang kinabukasan.

“When a full gains power, the first thing he does is silence the wise. The next thing he does is gather other fools around him. The final thing he does is destroy the nation.” – PLATO