Advertisers

Advertisers

Tres sa mid-court!

0 23

Advertisers

Masterstroke. Yan ang pagsasalarawan ng ilang political analyst sa pagkakaurong ng 3 sa 4 na charge sa pangalawang pangulo sa Senado bilang korte.

Iikli na ang hearing period at nasorpresa nila ang kabilang panig.

Nawindang ang katunggali.



Kung basketball game ang impeachment ni VP Sara Duterte ay nabigla ang depensa na titira pala ng 3 points ang prosecution mula sa logo sa gitna ng court. Hayun kaya hindi binantayan ng maigi. Kaso pumasok ang bola. Kung sa PBA nga ito ay 4 point play pa. Halos hindi maka-react ang kalaban dahil nataranta.

Ganyan naganap nang pormal na sinabi ni lead prosecutor Rep Gerville Luistro na tatanggalin na nila ang ikaapat na akusasyon. Iaatras na rin nila ang dalawa pa kahit naiprisinta na ang mga saksi.



Maaari rin ihambing sa pambihirang mga kilos sa ibang laro.

Sa boksing maituturing na killer punch ito na nagpabagsak sa kalaban.



Sa golf ay hole in one.

Sa tennis isang ace.

Sa bowling strike.

Mga strategy na pati ang audience hindi inaasahan na magaganap nguni’t nangyari.

Nguni’t hindi nangangahulugan na panalo na ang kampo ni Cong Luistro.

May isang article pa na ang grupo naman ni Sara ang madidinig.

Sa sobra sigurong bilib nina Cong Chel Diokno sa mga witness at mga bank record ay super lakas na ang kaso nila sa unexplained wealth.

Eka naman ni Tata Selo ay sana iniwan pati ang tungkol sa confidentual funds para dalawang ulit boboto ang mga senator-judge.

Ire naman kabila siyempre naasar sa tactical move.

Kaso naihain na kaya hantayin na lang natin ang resulta. Malamang sa Nobyempre o bago mag-Pasko ay may desisyon na. Guilty man o hindi para sa 2/3 ng kapulungan.

Sino kaya master strategist ng mga taga-usig?

Kung convicted grabeng husay niya. Kapag acquitted naman palpak siya.

Ganoon din sa anumang sport kapag W ay puring-puri sa coach nguni’t pag talo sisinisisi to the max. Hehe.

***

Mabuti naklaro na ng WTA na walang ipapataw na parusa kay Alex Eala sa pag- skip ng isang mandatory tournament upang makalaro sa Asian Games bilang kinatawan ng Pinas.

Nagpapasalamat ang Philta sa desisyon dahil para daw sa bayan ang ginawa ng player. Nagwagi siya ng bronze at nag-qualify sa Olympics. Ang ayaw nila ay ang liliban para mag-exhibtion game sa iba.

Kung para sa bansa ay tahimik ang rule kaya lusot ang ating tennis sensation.

Sana sa lahat ng sport ganire.

***

Bukas na ang Bayanihan Run ng Angat Buhay sa Iloilo. Tiyak dudumugin ito dahil darating doon si Mayor Leni ng Naga. Parating panalo siya rito noong 2016 at 2022.

Katulad ng sa Makati at maogmang lugar ay malaking tulong ang patakbo sa mga proyektong itinatag ng dating VP taong 2016.

Ang susunod ay sa Gen San sa Mindanao.

Sa Davao kaya posible din?