Advertisers

Advertisers

Serbian tennis player 24-year ban dahil sa match-fixing

0 30

Advertisers

ISANG Serbian tennis player ang ipinagbawal na maglaro ng 24 na taon dahil sa pag-oorganisa ng isang ‘corrupt network’ ng pag-aayos ng laban, ayon sa anunsyo noong Huwebes (Biyernes sa oras ng Maynila).

Si Stefan Milicevic, 29, ay nag-ayos ng anim na laban — kabilang ang lima na siya mismo ang naglaro — at sinubukang ayusin pa ang anim pang laban mula 2022 hanggang 2024, ayon sa sinabi ng International Tennis Integrity Agency (ITIA).

Si Milicevic, na ang pinakamataas na ATP ranking ay isang mababang 1,338, ay hindi nakipag-ugnayan o nakipagtulungan sa imbestigasyon, ayon sa ITIA, at pinatawan din ng multa na $70,000 (62,400 euros).



Sinabi pa ng ITIA: “While suspended, Milicevic is not allowed to play in, coach at, or attend any events organised or sanctioned by World Tennis, WTA, ATP, the Grand Slams, or any national association.”

Ang kanyang suspension ay opisyal na magtatapos sa Oktubre 8,2050.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">