Advertisers

Advertisers

PILA BALDE

0 26

Advertisers

NAGING malaking isyu ang pagrerekuminda ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na maghanda na sa paparating na Super El Niño sa pamamagitan ng pagiimbak ng tubig sa mga balde.

Bago pa man ang paalala na ito ni PBBM, ay nagbabala na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kakaiba raw ang El Niñona darating at nararamdaman na natin ang epekto nito sa kahulihang parte ng taon na ito, o’ kaya’y sa unang bahagi ng 2027.

Kaya naman, pati ang mga nagtitinda ng mga balde, drum at malalaking container ng tubig ay nagkukumahog na rin, at biglang sirit na ang presyo nito ngayon.



Ganun pa man, kailangan natin talagang maghanda. Ang babala ni PBBM at ng PAGASA ay totoo, at magdudulot ang Super El Niño na ito ng matinding tagtuyot at pagkaubos ng tubig. Nangangahulugan kailangan natin talagang magimbak ng tubig.

Sa mga bahay-bahay palang ang rekumindasyon ni PBBM na iyan ha. Paano na ang ating mga bukirin at mga kababayan sa mga kanayunan. Kaya naman ang ating mga lider sa pamahalaan ay naglalatag na rin ng kanilang mga kaparaanan para maibsan ang problems sa tubig bago pa tuluyang dumating ang Super El Niño.



Nandyan ang narinig nating tap groundwater, mobile solar-powered irrigation pumps at pagrerepair ng mga water system.

Ganyan naman tayo, kahit alam na alam na natin na ang lagay ng panahon kada taon na may darating na bagyo, tag-tuyot, pagbaha at matinding init, at sa kabila ng PAGASA na magbibigay ng weather forecasts, climate projections, at mga hazard maps, di tayo kumikilos o’ naghahanda at pagka-andiyan na ang delubyo saka lamang magkukumahog.



Seryosohin natin ang mga rekumindasyon, paalala at babala ng mga namumuno sa tin, nang di tayo makaranas ng malubha kung may delubyong darating.

Kung sabagay, noong aking kabataan, iba ang kahulugan ng ‘pila balde.’ Pero huwag na muna natin pag-usapan ang terminong yan. Mahalagang paghandaan natin talaga ang paparating na Super El Niño.