Advertisers
Beer house pero mistula umanong casa ang isang establisimyento na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo Rizal, ayon sa ilang concerned citizen.
Anila naging parukyano sila ng maraming beses sa lugar at nakapag-VIP na rin sa bahay aliwan na “Forli” at sa halagang P5,000 ay kasama muna sa loob ng VIP ang babaeng kursunada mo na naka bra at panty na lang pero depende pa rin umano sa magiging usapan dahil bukod sa toknakan may iba pang inaalok ang mga bugaw tulad ng “side show” sa loob ng VIP at “quickie sex” if the price is right, ika nga!
Front lamang umano ang pagte-teybol kunwari sa mga dining area dahil kapag nagkasundo ang parukyano at solo performers (dancers), modelo at GRO’s sa inaalok ng mga bugaw na alyas Eugene at Garner ang umano’y panandaliang aliw o quickie sex ng naturang beer house ay dadalhin na sila sa VIP room.
Hindi lang isa o dalawang beses inerereklamo ng ilang netizen ang naturang bahay aliwan dahil sa pagpapasayaw ng mga kababaihan nang walang saplot ang katawan na anila’y mistula umanong casa dahil bukod pagsasayaw ng hubo’t hubad marami rin umanong VIP room na may padlock.
Alam kaya ito ni Antipolo Acting Chief of Police PLTCOL Mark Henry A. Garcia na siyang nakasasakop sa lugar?
Saka paano ito nakalulusot kay Antipolo Mayor Casimiro “Jun” Alcantara Ynares III,
ang ganitong kalaswaan na kalakaran kung saan inilalako ang mga kababaihan ng panandaliang aliw at pinagsasayaw ng walang saplot pagsapit ng alas dose (12:00) ng gabi.
Sa ganang akin, maaaring legal ang nabanggit na beer house kung taglay nila ang pahintulot ng Business Permit and License Office o BPLO sa pagkakaroon nila ng GRO, Bold Dancers, VIP rooms namay padlock at entablado kung saan kumekendeng ang mga kababaihan na walang saplot. Pero kung wala ang mga nabanggit na permiso, illegal ang negosyo nila?
Dagdag ng source madalas din umanong ipinagmamalaki ng mga nabanggit na bugaw ng bahay aliwan na naka timbre umano ang BOLD SHOW at SEX TRADE operation nila sa tanggapan mismo ng Antipolo PNP, CIDG-Rizal at NBI?
Gaano kaya ito katoto?
Infairness naman sa nabanggit na establisimyento, bukas po ang pitak na ito para sa inyong paliwanag.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com