Advertisers

Advertisers

BarDa, malabong magkatraho muli

0 32

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Nagbigay ng fearless prediction ang isang manghuhula hinggil ang estado ng puso ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Ayon sa nasabing tarot card reader, may umaaligid daw na bagong suitor ang aktres.



Ang nasabing guy daw na nagpapakilig kay Barbie ay hindi mula sa showbiz.

Natuto na rin daw siyang kasi ang aktres sa kanyang mga naging karanasan kaya iwas stress ito.



Mas binibigyan daw ng prayoridad ni Barbie ang kanyang karera.

Paldo rin daw si Barbie dahil patuloy na dadagsain ito ng mga proyekto.



Tungkol naman sa dating love team partner na si David Licauco, malabo raw na magkabalikan o magkatraho ang dalawa.

Hirit pa niya, na-vibes daw niya na naghiwalay ang dalawa na merong di pagkakasunduan.

***

CCP, pinagsama ang 11 bansang ASEAN sa ‘Seas Unbroken’

Cinematic music video, tampok ang pagkakaisa, kultura at kuwento ng mga Southeast Asian

Bilang bahagi ng pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN 2026, inilunsad ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang Seas Unbroken, isang cinematic music video na pinagsama-sama ang mga filmmaker mula sa 11 kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Layunin ng proyekto na ipakita ang pagkakaisa ng rehiyon sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, wika at tradisyon sa pamamagitan ng mga kuwentong hango sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

Sa halip na magpokus sa mga tanyag na pasyalan at landmark, itinatampok ng pelikula ang mga karaniwang karanasan ng mga Southeast Asian, gaya ng pamumuhay sa tabi ng dagat, pagsasama-sama ng pamilya sa hapag-kainan, buhay sa mga lungsod at pagpapanatili ng mga tradisyon para sa susunod na henerasyon.

Sa direksiyon at editing ni Chuck Gutierrez, produksyon ni Baby Ruth Villarama ng Voyage Film Studios, at orihinal na musikang nilikha, isinulat at inayos ni Von De Guzmán, pinagtagni-tagni ng Seas Unbroken ang magkakaibang pananaw ng 11 bansa upang makabuo ng iisang kuwentong sumasalamin sa pagkakakilanlan ng rehiyon.

Ayon kay Gutierrez, naging hamon ang pagsasama-sama ng iba’t ibang kuwento nang hindi nawawala ang natatanging identidad ng bawat bansa.

“Maaaring pinaghihiwalay ng ating mga dagat ang ating mga baybayin, pero pinagdurugtong din nito ang ating mga kuwento,” pahayag niya. Aniya, hindi nila layuning gumawa lamang ng travelogue tungkol sa Southeast Asia kundi isang kuwentong pantao na nagpapakita ng pagkakatulad ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

Para naman kay Villarama, bunga ang proyekto ng mahigit isang dekadang ugnayan, pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga filmmaker sa rehiyon. Marami sa mga kalahok ang unang pagkakataong nakatrabaho ang isa’t isa, ngunit naging makabuluhan ang kanilang pagsasama dahil sa kani-kanilang natatanging ambag.

Samantala, sa pamamagitan ng musika at liriko, binigyang-diin ni De Guzmán ang pagkakaugnay ng kasaysayan, kultura at mga pangarap ng mga mamamayan ng ASEAN.

Hangad niyang maipakita ng awitin na maaaring manatiling natatangi ang identidad ng bawat bansa habang sama-samang nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran.

Lalong naging makabuluhan ang proyekto sa pagpasok ng Timor-Leste bilang ika-11 miyembro ng ASEAN noong 2025. Ipinapakita ng Seas Unbroken na bukod sa diplomasya, kalakalan at ugnayang pampolitika, mahalaga rin ang sining at kultura sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng mga bansa.

Para sa CCP, bahagi ang proyekto ng ambag ng sektor ng sining at kultura ng Pilipinas sa pagho-host nito ng ASEAN ngayong 2026.