Advertisers

Advertisers

Robi at John Lloyd nagkaayos na

0 31

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nilinaw ni Robi Domingo ang napabalitang tampuhan nila ni John Lloyd Cruz noon at kinumpirma niyang maayos na ang kanilang relasyon matapos ang hindi pagkakaunawaang dahil sa isang insidente na nangyari sa kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong 2025.

Sa pag guest niya sa programa ni Boy Abunda, ipinaliwanag ng TV host na wala nang isyu sa pagitan nila ng aktor.



Kinilala rin ni Robi ang naging hakbang ni John Lloyd upang maayos ang kanilang sitwasyon at maibalik sa magandang kalagayan ang kanilang pagkakaibigan.Ayon sa ulat, ang aktor daw mismo ang nakipag-ugnayan sa kanilang mga manager at sa Star Magic upang matulungan silang maayos ang napabalitang hindi pagkakaunawaan.

Sa kagustuhan daw ng aktor na maresolba ang isyu sa halip na hayaang manatili ang anumang tampuhan sa kanilang samahan ay gumawa raw ito ng paraan para sila ay magkaayos.



Ani Robin: “it was unintentional, I guess. It just happened on a whim. In a nutshell, what I wanna say is, it’s done.”

Paglilinaw pa ng host: “I appreciate Kuya Lloydie because he reached out to different managers and Star Magic to fix it. And within our circle of friends, we’re OK.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">