Advertisers

Advertisers

Running Inay nais magsilbing inspirasyon sa mga kapwa senior citizens

0 21

Advertisers

Pinatunayan ni Marlene Gomez Doneza o mas kilala sa palayaw na “Running Inay” na kaya ng mga may edad na tumakbo nang higit 2,500 na kilometro upang masungkit ang pagiging unang senior runner na nakatapos ng Trans Pilipinas Endurance Run mula sa General Santos City hanggang sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Mula August 5 hanggang October 15 ay sinuong ng 64-year old ultra marathoner mula sa Batangas City ang pabago-bagong panahon at iba’t ibang terrains na nasubok sa kanyang kakahayan at kahusayan upang matapos ang kanyang advocacy run upang makatulong sa mga senior citizens na mamuhay ng active at healthy lifestyle.

Ito ang ikalawang subok ni Running Ina na bahagi ng Running Team CALABARZON sa ultramarathon kasunod ng matagumpay na unang pagsabak nitong 2025 mula sa Sorsogon hanggang sa Pagudpud na may habang 1,300 kilometro sa loob ng 36 na araw.



“Sa totoo lang, mahirap bilang senior, may pagkakataon na paltos at masakit ang tuhod pero dahil sa mga taong tumulong at sumusuporta sa amin, lahat ay binabalewala at tuloy na ang laban.”, sinabi ni Dioneza sa lingguhang Tabloid Organization in the Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports Forum.

Para sa mga core members ng Team Running Inay, nagpapasalamat rin sila dahil nakatulong ng malaki ang advocacy run upang mas maraming hikayating mga senior citizen ang nais maging huwarang ehemplo upang mas maging aktibo sa iba’t ibang sports.



“Masaya po dahil very successful dahil maraming pinagdaaanan along the way, nandun ang ulan, init, lahat susuungin, masayang masaya kasi di namin ineexpect na nagtagumpay na si Inay sa kanyang running journey na matapos ang 2,557 kilometers na run.”, sinabi ni Melanie Malinhan.

“Marami kaming pinagdaanang hirap pero masaya dahil dun sa mindanao terrains at trails, kung paano namin inihurdle yung brutally challenging terrains like sa Davao, Bukidnon, Gingoog at Claveria, pati na ang mainit ang panahon, dumating kami dun ay mataas ang heat index nila… yan yung pinaghandaan ng husto at ang karanasan na dumaranas sa hirap ng terrain, talagang matinding ahon at lusong kahit sobrang init, kung paano ay pinaghandaan, hanggang pagdating ng Visayas Leg at Luzon Leg, medyo gumaan na.”, wika ni Nicanor Doneza sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.



Bukod pa rito ay mas lalo pang namomotivate sa Running Inay sa mga nakakasalubong sa daan upang magbigay ng extra boost sa kanyang pagtakbo pati na ang pagsuporta ng buong Philippine National Police sa panguuna ni PNP Chief General Jose Melecio Nartatez, Jr. (Gab Ferreras)