Advertisers

Advertisers

Maroons tumibay ang kapit sa No. 1 spot sa panalo laban sa Falcons

0 38

Advertisers

WALANG palatandaan na humihina ang University of the Philippines at tinalo ang Adamson, 82-70, para lalo pang higpitan ang kanilang pangunguna sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum Miyerkules ng gabi, Nob. 4.

Malayo sa kanilang pinaghirapang 69-67 tagumpay sa unang round noong Oktubre 14, ngayon ay si-yang nagdikta ng laro ang Fighting Maroons, nanguna sa ikalawa at ikatlong kwarter para humiwalay sa Soaring Falcons habang pinalawak ng State U ang kanilang lamang sa 15 puntos, 59-44, sa isang layup ni James Payosing para tapusin ang kanilang pag-atake sa ikatlong kwarter.



Nagpatupad ng depensibong istratehiya ang UP habang kumukuha ng puntos mula kay Payosing, Noy Remogat, Dikachi Ududo, at Elliot Dimaculangan para mapanatili ang kalamangan laban sa Adamson, mapahaba ang panalo sa anim na laro, at patatagin ang posisyon sa nangu-ngunang pwesto na may rekord na 8-2. Naiwasan din nitong ma-share ang lide-rato kasama ang National University (7-3).

Pinamunuan ni Payosing ang balansing opensa ng Maroons matapos makapuntos ng 15,limang rebounds at 2 steals.Nagdagdag si Remogat ng 12 puntos, apat na rebounds, anim na assists, at isang steal.



Naglista rin si Ududo ng 12 puntos kasama ang 10 rebounds, isang assist, isang block, at isang steal, habang sina Dimaculangan at Jacob Bayla ay nagdagdag ng 11 at pitong puntos, ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag naman sina Veejay Pre at Miguel Yniguez ng tig-anim na puntos.

Pinatibay ni Matthew Erolon ang Falcons na may 20 puntos, dalawang rebounds, at dalawang steals, habang nag-ambag si Monty Montebon ng 13 puntos. Si Ray Allen Torres at Matt Edding naman ay parehong nakapuntos ng 10 sa kabila ng pagkatalo.



May pagkakataon ang Adamson na makabalik sa panalo at panatilihin ang kanilang paghabol sa semis kapag nakaharap nila ang walang panalong koponan ng University of the East ngayong Sabado, Nob. 7, sa parehong lugar.

Dito rin sa Big Dome sa Sabado, susubukan ng UP na makuha ang ikapitong panalo laban sa Ateneo.