Advertisers

Advertisers

KAMPO NI JOSEPH SY: HINALA HINDI EBIDENSYA, AKUSASYON HINDI HATOL!

0 66

Advertisers

MANILA — Mariing nilinaw ng kampo ni Joseph C. Sy na hindi siya tumatangging makipagtulungan sa Senado, matapos ang isyu tungkol sa kanyang hindi pagdalo sa pagdinig noong Nobyembre 5, 2026.

Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Alma D. Fernandez-Mallonga, dinala si Sy sa Emergency Room ng Makati Medical Center dahil sa karamdaman kaya hindi siya nakadalo. Binigyang-diin na hindi dapat itong ituring na pagsuway sa Senado, at handa siyang sagutin ang mga lehitimong tanong sa tamang proseso ng batas.



Tinugunan din ang mga paratang tungkol sa kanyang pagkamamamayan. Ayon sa abogado, nananatiling balido ang kanyang Certificate of Live Birth at pasaporteng Pilipino. Kinilala rin ng Court of Appeals noong Pebrero 2026 ang kanyang birth certificate bilang opisyal na patunay ng kanyang pagkamamamayan.

Tungkol naman sa paratang ng espionage, binanggit ng kampo ang pahayag ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. noong Agosto 2026 na wala siyang impormasyon na nag-uugnay kay Sy sa nasabing isyu, at ito ay usapin lamang ng Bureau of Immigration. Wala ring natukoy na isyu sa pambansang seguridad ang National Security Council.

May nakabinbin ding desisyon ang Korte Suprema noong Oktubre 7, 2026 na nag-utos sa kanyang pagpapalaya. Iginigiit ng kampo na ang hinihingi lamang ay ang karapatan ng bawat Pilipino — due process at patas na pagdinig.

“Hinala ay hindi ebidensya. Akusasyon ay hindi hatol. Ang bawat tao ay may karapatang ipagtanggol ang sarili sa ilalim ng batas.”